Saturday, May 24, 2008

Pamintang Durog Part I

Miko



friendship ni atashi via connectibles ang boylet na itez. bongga ang fezangga ni otoks. si miko. gwapitu. chinito. mestizo. pasar. borta. bee-wai. pakak na pakak ang aura---in short, mataas ang uri ng pagkatao.



kereng kere niyang mag-ala alta boy churvalet sa kinis at flawless ng kutis. partida pa, everything is all natural, at mahihiya kaming mga die hard fans ng glutathione sa puti niya. noon atang nagsaboy ang heaven ng kakinisan eh dilat na dilat si ohmbre, at kaming mga beckz, malamang borlogs ng bonggang bongga at nagising na lang nung puro sumpa, chenelyn-bombey at mga tigidig-bambam na ang sinasaboy ng langit.



pero teka teka teka. di naman talaga ang pagka-adonis ni miko ang chika ko eh. dahil since una kong nakilala si ohmbre, ay anlakas nang mangamoy dagat ni ateh. at di ko pa man napapa-notaryo eh kukumpirmahin ko na ang isplukchina na ang lolo mo ay isang malaking Wally Bayola.



ang kembot: eto na. behind his hunk na drama eh mega rampage pala si koya mo around orosa sa malaysia.

na-sight ng klasmate ko sa mahjong itong si otoko na uma-aura with another pasar na boylet, at di maipagkakaila ng holding hands at kemeng necking nila na mag-jowa sila.

naloka talaga ako ng beri beri nice sa chismis! paano ba naman, matagal ko na ding pinagpapantasyahan itong si lalaki, at may i bingwit ang drama ko nun makeme lang ang loveteam namin. ayun nga, di naman nagka-future dahil una, di naman niya bet ang mga pa-merlat na gaya ko, at mega kuda naman siya na di nya bet ng kapwa lalaki. eh kamusta naman, nauna pa saking magka-jowa ng lalake. ang sakit sa bangs!

eh ayun na nga. wala na akong magagawa dun. yun ang tunay niyang pagka-hayop---este, tao. yun ang bet niya sa buhay kaya suportahan ko nalang, bilang isa anman sa mga kaibigan niya. keme!

ang di ko lang talaga bet eh yung dapat pa siyang umeksena sa akin na di nya kere ang kapwa lalake, eh ang sa totoo naman eh di lang niya bet ng badidang at ang bet niya eh yung mga pamintang durog gaya niya.

sabagay, baka naman di nya ako gustong ma-hurt. pero mas nakaka-hurt naman diba yung malalaman ko pa sa iba ang tunay na iskor?

isa lamang siya sa mga nagdadamihan at patuloy na dumadaming mga Wally Bayola na inaartehan ang mga effem na bading. isa lamang siya sa mga maanghusga at choosy pagdating sa mga malelembot na kagaya namin.

unfair! bakit nadidiscriminate kaming mga bakels, eh kemeng parepareho lang naman ang eksena pag magjowa at kumakangkang na! nakakainggit! andadaming mga epek at pasar na bayola, eh wit naman kami bet! unfair! dahil kemeng mga tigas-tigasin na lang ang naglalapangan, wala nang natitira para sa aming mga bex.

pero kere lang. if i know, mas malelembot naman talaga ang mga bayola kesa sa mga proud true badidang. alam niyo pag, pag nagka-giyerahan na.

miko, i wish you all the best! gudlak! charos!

yun lang!

Thursday, May 22, 2008

Sino ba si Kablogera?

akiz ang lalaking mahilig sa color pink, fucshia at purple

akiz ang batang lalaking fan ni Barbie, Sailor Moon at Spice Girls

akiz ang suki ng downelink, g4m, at lahat ng mga LGBT onlne sites

akiz ang parloristang multi-colored ang heret at bongga kung mag-blush on.

akiz ang kontesera sa miss gay ng tondo, kamuning, muñoz, españa at kung saan saan pa.

akiz ang entertainer sa japan na laging buwis buhay sa performances kapalit lamang ng ilang lapad.

akiz ang tranny na nag-aabang ng customer sa quezon circle tuwing gabi.

akiz ang maKATI gay na halos gabi gabing humahada at bumubuking ng mga bagets.

akiz ang pasahero ng MRT at LRT na bet na bet ang siksikan with the boys.

akiz ang stand up commedian na bongga kung umokray sa mga ka-okray-okray.

akiz ang fashion designer na bonggang bongga kung umeksena ng mga gowns.

akiz ang talent manager na bumubuking ng mga gwapo at hunkilicious na bagets kapalit ng kasikatan.

akiz ang tambay ng malate para maka-aura ng mga boylet at karir.

akiz ang graduate ng cosmetology major in rebonding and perming, minor in manicure and pedicure.

akiz ang suki ni Belo at Calayan para sa mga turok ng collagen sa katawan.

akiz ang bestfriend ni Dianne, at iba pang mga pilar pilapills na pampa-bilat.

akiz ang nalilibugan ka Piolo, Richard, Dennis at Jon Avila pag nakikita silang topless sa TV.

akiz ang numero unong taga-subaybay ng Bb. Pilipinas, Ms. Earth, Ms. World, Ms. International at Ms. Universe.

akiz ang insekuradang badash pag nakikita sina Angel Locsin, Marian Rivera, ruffa Guttierez, Gretchen Barreto at Lucy Torres.

akiz ang walang sawang bumibili ng ManPower, Valentino, MenStyleAsia, Sexy Hunks Unlt., at kung anu ano pang magazine tungkol sa mga kalalakihan.

akiz ang mahilig sa foundation, lip gloss, shimmer, eye shadow, likas papaya at glutathione lotion.

akiz ang wannabe tyra banks na bet na bet rumarampa kahit sa maduduming eskinita nga baranggay.

akiz ang ilusyonadang Darna, Wonder Woman, Krystala, Dyesebel at Dyosa.

akiz ang kapitbahay mo na namboboso sa anak/asawa/kapatid/pinsan/uncle/bestfriend mong lalaki.

akiz ang miyembro ng masayang third sex.


sinech akiz?

Akiz si Kabogera. Ang Ateh mo, Ateh niya, Ateh ninyong lahat.

Ang bading na magpapasaya sa inyong buhay.

Ang baklang tumbling ang IQ, kabog ang eksena at pumapakak ang mundo.

Umaalog. Kumakalog. Kumakablog.