Thursday, 9 July 2009

LADLAD


Big Beki: pecha na?

Nini: keber.

Brida: anuver!

BB: gaga, waiting galore na ang mga bakels satin sa jubas.

B: shurness ka ver na jujubas tayis?

N: keber! witchey naman na tayis jukit! krombang ang byuras mga bakz, wit nang iho-horror ang mga shoobels.

BB: open the dragon na din ttayembang ang kapihan mga teh. sayang ang benta.

N: kabog lang. basta ba me lalapit satin ateh, kalat pa din ang a(h1n1) natin ditey sa baranggay...

B: wit na yan. epek na. knows na din naman na nila ma magaling na tayis lahat eh. lagpas lagpas na tayis sa quarantine period no!

at nag-hello sunshine dizon na din ang mga bakla. kemeng mga bampira na di nakatikim ng sandara park. 15 days na kulong sa bahay, with all the pinto ang bintana na nakasara.


inopen na ng mga beki ang balaychi. pati ang kapihan sa juba ay parang grand opening day ulet, with matching full blast na stereo of the basagan-ngalangalang birit ni mareng charice.


jojosok ang tatlong bagetchina.


Joe: uy big beks, magaling na kayo lahat?

BB: una sa lahat, hindi kami lahat nagkasakit. si nini lang. pangalawa, magaling na magaling na. wala nang bahid ng pangamba. kaya nga nagbukas na ulet kami diba?

N: magaling na magaling na magaling na ako, kere ko na ulet chumupa. char!!!

Nick: san sina kuya Jasper?

B: nasa taas pa. tulog. napagod ata kagabi ang mga otoks.

N: kaw ba mare, napagod ka ba?

B: di naman. kaw?

N: di rin. kaw ateng?

BB: di naman. haha. Hoy, teka bakit ba kayo andito?

Kevin: Si ate jona kasi may pinabibigay. eto...

BB: (binuksan ang sando bag na pula) ah, ok. eto na nga. magkano daw?

Joe: sandaan lang daw

BB: echosero! eh kateks ko lang si Jona kagabi no, singkwenta lang kaya to.

Nick: joe, kikikbak ka na naman ha! susumbong kita!

Joe: gagu, parang di ka din nangikbak nun sa palitaw na order ni Aling Chimmy ah!

Kevin: tangna o, nangingikbak kayo di man lang kayo namimigay! susumbong ko kayo.

Joe: gagu! pare-parehas lang tayo!

BB: che! lumayas nga kayo! wag mag-away dito! malas ang away sa umaga... baka wala pumuntang customer dito... chupi! chupi!

Nick: chupa chupa chupa! (sabay takbo ang tatlo)

BB: lecheng mga bagets to. iteteks ko nga yang ate jona ng mga yan.

N: aynaku, kebs na lang yang mga Jona's Brothers na yan. baka pag nakunsume pa yang ate nilang walking talipapa eh pati sila ibenta na!

BB: asus, pag nagkataon eh bet mo naman, at ikaw ang mamamakyaw sa jona's Brothers na yan! neknek mo!

N: ate naman, shumalenggatervaoo lang...

B: ateh, gogora lang akis sa kanto, bibili ng asukal.

BB: getchay ka na din ng isang karton ng 3-in-1, ubos na yang nasa tray.

B: pak!

BB: o Nini, mag-walisha mayer ka muna ditey, it's the climb muna akis kelangan kong kumeme sa banyo. sasabog na ang mt. mayon!


major grand entrace ang ateng sa banyolita (kikay na banyo) at upo agad sa trono. habang nagkokoncentrate ay kemeng na-sight ni ate ang isang shortaloo na nakasabit sa may likod ng pinto.

BB: kay Kiko yan ah. naiwan niya...

after the volcanic eruption, kemeng chinek ni ateh ang shortie.

BB: sayang, kala ko kasama yung bripang... teka, yung waley anditey...

chineck ni ate ang waler.

imperness, mapera ngayon ang loko... atm... id... gwapo talaga ni papa kiko... credit card... calling cards... wow! kondom! (at biglang nagsihulugan ang ilang cards sa inidorski)
ay anak ng tae! hala... tae tae na... tsk tsk.. (at pinulot yung mga nahulog sa sahig)







CLUB GOVERNMENT MEMBERSHIP VIP CARD.
BED VIP CARD
CHELU MEMBERSHIP CARD


nahilo ang Big Beki sa mga nakita...

8 comments:

palochina said...

hoemaygahd! true ba iyan? kalurkey! badesa si kiko?!!?!

glentot said...

pag may membership sa ganun bading na? ano ba yun?

palochina said...

fyi, dun lang naman nagkikita-kita ang mga badesang nagpapalakihan ng muscles at nagpapakapalan ng buhok sa kilikili.

Baklang Maton in the Suburbs said...

ay winner yang kiko na yan! botomesa pa ata!!! oi welkam bak big beki! dahil si Kuya, Kabaklaan mo!

mckhoii said...

ang mga badesang macho.... bow

dilanmuli said...

aba aba aba. kaya walang bripang dahil t-back na panty ang gamit ng merlat. hahaha! gudlak big beki. nalason ka ba??? hahahaha!

badesa ang epek. uso naman yan hahaha!

dilanmuli said...

hainaku naman. mahirap na talagang maghanap ng straight men ngayon bwahahaha. nalason ka teh???? dalaw ka sa blog mo madaming epek na bagets hahahaha!

dan~gee~rous said...

grabe.. hindi ko masyadong nagetlak yung mga words mo.. pero natawa ako sa bandang huli.. haha.. dugong green pala aku?!?