sa kalagitnaan ng dagat, palutang lutang na parang tae si brida sa kanyang life vest. nawalan siya ng malay-hayop and pagkagising ay napadpad na pala siya sa isang di kilalang isla.
unti-unting inalala ni Brida ang nangyari at di makapaniwalang siya ay nabuhay sa kalunos-lunos na paglubog ng barkong sinasakyan dahil sa bagyo.
(time space warp, ngayon din!)
nagkakagulo na ang mga tao sa barko. eksenang Titanic talaga! pagkatawag sa cp kay Big Beki ay dali-dali naghanap ng lifevest si Brida. nakalimutan niya kung saan nakalagay ang mga iyon, dahil di naman nakinig ang lola mo nung kumukuda ng mga safety measures ang crew ng barko.
after 48 years ay sa wakas, may nakita siyang bata na may dala-dalang dalawang lifevest. inagaw niya yung isa, pumalag yung bata. nakipagaway. no choice si bakla, nakipag-buno pagulong-gulong sa kawawang bata. ayun, syempre, panalo ang lola mo. keme na ang konsensya, nasa bingit na sila lahat ng kamatayan at di na niya kineme pa ang pagpatol sa bata. pagkasuot ng lifevest, sakto naman sa biglang pagtaob ng barko.
KABLOOG!
KABLAG!
ang bakla, maka-ilang beses naihambalos. napadulas siya sa labas ng barko at saktong mahuhulog na sana siya sa dagat ay may biglang humawak sa kanyang buhok. . aaninagin sana niya kung sinong hayop ang sumabunot sa kanya pero di niya makita dahil napaka-dilim at umuulan pa ng bonggang bongga. isama mo pa ang mga alon na humahampas ng ver very nice sa fez ni bakels. at isa pa, di siya makatingala sa sakit ng mga anit niya.
pero ayun nga, tiniis nalang niya ang sakit ng pagkakasabunot sa buhok niya para makaligtas lamang sa pagkalunod. at maka-ilang minuto lamang ay nawalan na siya ng malay.
-balik sa katotohanan-
ayun na nga ang nangyari. at ayun na lang ang naaalala niya.
anyway, umaga na. waibels nang Yolanda Amor. pero witit pa din namang Sandara Park . habang nakahandusay sa buhanginan ay hirap si Brida na igalaw ang kanyang namumulikat na paa. akala ng bruha nilafang na ng mga pating ang kanyang mga paa. masakit din ang kanyang ulo. mahapdi ang kanyang mga anit. naalala niya ang pagkakasabunot sa kanya kagabi. kinapa niya ang ulo kung present pa din naman ang kanyang mga buhok. pilit niyang inaaninag kung saang lupalop na ng mundo siya napadpad. kung anupaman ang pangalan ng lugar na yun, ay di na mahalaga, ang importante ay buhay ang bakla!
pagkalipas ng ilang minuto ay nahimasmasan na ang bading at tumayo. naghanap ng bakas ng mga tao na maaari niyang matanungan.
BULAGA!!!
nagulat ang lola mo, may nakahandusay na lalaki sa tabi niya. marahil isang pasahero din nung barko at nai-anod sa pampang ng isla. natakot ang lola Brida mo. wit bet lapitan yung shoo, baka kasi tegi na. ang knows ng lola mo, bangkay na yung lalaki.
"naku, si koya, tigerchi na ata."
gumatlak ng kahoy at pilit itinihaya ang katawan ng ohmbre.
"ay! pucha! plakado si koya! bet! pero sayang naman, tegibels na.'
unti-unting pinagmasdan ang lalaki. in fairview , may hitsura ang ohms. mixture ng looks ni Alfred Vargas na mala-Dennis Trillo ang arrive. Plakado talaga day!
kung ang fez eh winner, pakak na pakak din ang katawan. Bortang Borta marey! parang tambay ng Gym. At dahil medyo naluray na ang t-shirt na suot ng loko, kitang kita ang chest ng lalaki, yummy lang mare!
"teka! anu ba yan. bangkay na nga, pinagpapatansyahan pa!"
maya-maya ay biglang napa-ubo ang lalaki at tuluyang nailabas ang mga nainom na tubig.
nagulat si Brida. BUAHY ang OTOKO!!!
nahimasmasan ang lalaki at nasight na tinititigan siya ni Brida.
ROBBY: sino ka?
BRIDA: bakit ikaw, sino ka din?
ROBBY: Robby.
BRIDA: ako si Brida.
ROBBY: kasama ka din ba dun sa lumubog na barko.
BRIDA: oo. so ikaw din pasahero nung barko. ang malas naman natin.
ROBBY: alam mo ba kung nasan tayo?
BRIDA: sa Bahamas .
ROBBY: talaga?
BRIDA: tanga! charing lang yun syempre. di ko nga din alam eh.
ROBBY: teka! si Mariz. Asan si Mariz?
BRIDA: sinong Mariz? (aba, eh may katok yata ito)
ROBBY: si Mariz, yung girlfriend ko. iniligtas ko siya kagabi bago tuluyang lumubog yung barko. naalala ko hawak ko siya sa buhok para di siya mahulog sa dagat.
tumayo si Robby at nagmasid-masid sa lugar. ang lolo mo, papasa sa basketball team, mashongkad ateh!
ROBBY: baka andito lang si Mariz. sigurado ako dito din siya nai-anod kasama ko.
BRIDA: tae ka! ikaw lang pala ang sumabunot sa akin kagabi! ang sakit sakit ng ulo ko ngayon!
ROBBY: ha? ibig mong sabihin ikaw yung iniligtas ko kagabi at hindi si Mariz?
BRIDA: malamang! tae ka ah, ayos ka din mag-ligtas, sa buhok ang hawak!
ROBBY: si Mariz!!! si Mariz!!!
BRIDA: malamang nasa dagat pa din.
ROBBY: Mariz!!!
BRIDA: feel mo maririnig ka pa nun? baka tegi na yun.
ROBBY: Mariz!!!!!
BRIDA: che!!! tumigil ka nga dyan! kalalaki mong tao, ngumangawa ka. mahiya ka naman ng beri nice sakin!
natahimik si ROBBY.
BRIDA: o sya, bilang pasasalamat na din sa pagligtas mo sakin, tara , maghanap tayo dito sa isla kung andito siya. malay mo buhay naman siya at dito din siya napadpad. ang laki-laki mong tao, di bagay sayo ang magmukmok.
lumipas ang ilang oras ng paghahanap ay napagod na ang dalawa. halos nakalahati na yata nila ang buong isla ngunit wlang anumang bakas ng Mariz o sino pa mang ibang tao sa lugar. check! silang dalawa lang sa islang iyon.
dumudilim na muli ang paligid.
BRIDA: okay lang yan Robby. Makikita mo din si Mariz. baka naman nakaligtas siya at na-rescue na. pag tayo eh narescue na din dito, magkikita din kayo.
ROBBY: siguro nga Brida. salamat ah. teka, nagugutom ka na ba? gutom na kasi ako eh.
BRIDA: oo, gutom na din ako.
ROBBY: anu namna ang kakainin natin dito?
BRIDA: (kainin natin ang isa't isa, bet mo?)
ROBBY: teka, maghahanap na lang ako ng buko. pagtiyagaan nalang muna natin.
BRIDA: (yung buko mo, pede?)
ROBBY: o kaya kahit anong bungang kahoy nalang muna, pantawid gutom lang.
BRIDA: (bunganga ko gusto mo?)
ROBBY: magdidilim na din, kailangan makahanap na tayo ng masisilungan, baka kasi umulan ulet, gabi pa naman, mahirap na.
BRIDA: (sige, bahay-bahayan tayo. ikaw tatay, ako nanay, gawa tayo anak) sige, maghanap ka na ng pagkain, ako na lang maghahanap at mag-aayos ng sisilungan natin tonight.
ROBBY: sige, salamat. ayusin mo yung sisilungan natin ah, magbabahay-bahayan tayo tonigt. hehe.
ang Brida, natigilan. Kinilig ng bonggang bongga!
gabi na. mga huni ng kuliglig na lang na parang nagpaparty ang maririnig. kasabay ng mga hampas ng alon sa dagat. ang Brida at si Robby, nakahiga na sa loob ng maliit na silong gawa sa mga kahoy at dahon-dahon.
ROBBY: dati naglalaro lang ako ng Sims Castaway, ngayon, isa na din akong castaway.
BRIDA: (anong yung castaway?)
ROBBY: feeling ko tuloy nasa Lost at Suvivor tayo. hehe
BRIDA: ako naman feeling ko ako si Eba sa isang isla.
ROBBY: at ako si Adan?
BRIDA: pwede din. (tae, nagpaparamdam na nga ang lola mo eh...ang slow!)
ROBBY: haha. dapat may evil snake.
BRIDA: meron kaya. (yang ahas mo...)
ROBBY: asan? wag ka ngang manakot.
BRIDA: wag kang mag-alala, ang ahas na tinutukoy ko di naman nakakatakot. hihi...(pa-virgin na tawa)
ROBBY: ikaw talaga Brida. hahaha... Grabe, ano na kaya ang nangyari kay Mariz? Sana naman buhay siya.
BRIDA: (change topic ang loko! hmpf!)
ROBBY: hay, Brida, matulog na tayo. baka sakali bukay may maka-kita na satin dito. Tutal, may apoy at HELP sign naman na tayo sa labas, baka naman makita ng mga rescue team yan.
BRIDA: sige robby, matulog ka na, di pa ako inaantok eh.
ROBBY: sige, goodnight sayo.
BRIDA: goodnight.
pagkalipas ng ilang minuto, mahimbing na sa pagkakatulog si Robby. si Brida, mas gising pa sa kwago. at anu pa nga ba ang eksena eh di huluhan na ng ahas...
BRIDA: (ang gwapo pala talaga ng lokong ito. ang swerte naman ng Mariz na yun. Buti na lang napag-kamalan niya akong gf nya, at nailigtas ako. keme nang major sabunot.)
pinagmasdan ng Beka ang otoko...
BRIDA: (Height: CHECK! fez: CHECK! Katawan: CHECK! pasar na pasar marey! isa na lang ang dapat i-confirm. kung Plakado ang size ni koya...)
(WARNING: explicit content)
unti-onti, nagsimulang maglakbay ang mga kamay ng bakla... una sa mukha, tapos na leeg, (grabe, porno style ateng!) tapos sa dibdib. kinapa-kapa ng very lyt ang jutongski. gumapang na pababa... at pababa... at pababa... ayan na. bubuksan na ang zipper. (potang Brida, tinitigasan na!)
bukas na ang zipper. kemeng dudukotin na ang lola mo ang grand prize nang biglang may tumutok na ilaw sa kanya.
"may tao ba dyan?"
"ayun, may bakla! at isang lalaki.mga survivor siguro ng barko! team! team! positive! may survivors!"
naging mabilis ang mga pangyayari. ilang sandali pa ay nakasakay na sa Helicopter ang lola Brida mo.
********
FLASH REPORT PATROL:
REPORTER: narito po tayo sa Camp Kurikong kung saan muna naglagi ang dalawa pang mga bagong survivors ng MV Princess of the Stars na narecover sa isang isla malapit sa Marinduque. Ang mga survivors ay kinilalang sina Robby Valencia at Brigido Posas Jr. at makakausap po natin sila ngayon, so Robby kamusta naman ang inyong karanasan sa barko nung panahong bumabagyo at nung lumubog na nga ito?
ROBBY: mahirap po at nakakatakot. nung palubog yung barko, lahat ng tao nagkakagulo. ang alon malalaki at malalakas. malakas din po ang hangin at ulan. akala ko nga po ay mamamatay na ako eh. buti na lang po talaga nakaligtas po ako.
REPORTER: ikaw naman Brigido, kamusta ang naging lagay ninyo sa isla habang naghihintay ng mga rescuers?
BRIDA: unang una, call me BRIDA, okay? well, yun nga badtrip ako sa isla. super badtrip! lalo na sa mga rescuers na yan! mga lintik!...
* * * * * * *
BIG BEKI: praise the lord!!! ang BAKLA buhay!!!
PIPAY: sabi na ateh, may sapusa yang si Brida eh, di mamamatay yan ng basta-basta!
BIG BEKI: naku naku! tara , puntahan na natin yang baklang yan, naku! di niya ako pinatulog kagabi! anak ng tekwa!
NINI: hay ateh, swerte nyang si Brida ah, isang gabi sa isla sa piling ng isang adonis!
PIPAY: in fairness panalo si bakla! pasar nga yung boylet na nakasama niya sa isla.
NINI: alam na!!!
BIG BEKI: o sya, tara na. magsiligo na kayo at sunduin na natin si Brida.
* * * * *
ROBBY: paano ba yan Brida, nandito na yung sundo ko. Uuwi na ako sa amin.
BRIDA: oo nga eh. hihintayin ko na lang dinang mga sundo ko. tumawag na ako sa kanila kanina.
ROBBY: sige Brida, nice meeting you kahit napaka-weird ng sitwasyon. hehe.
BRIDA: kukunin ko sana cp number mo kaso malamang wala na yung cellphone mo gaya ko.
ROBBY: oo nga. pero i-add mo na lang ako sa friendster. eto e-mail ko: robby_hunkilicious69@yahoo.com.
BRIDA: sige, ako din i-add mo: babagonako@duduruginkita.com
ROBBY: sige, kita-kits nalang sa friendster. bye
Friday, July 11, 2008
Nang Salantahin ni FRANK si BRIDA (PART 2): The Isaland Episode
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
ang haba but nice and full of humor.marami akong friends pumupunta sa blog mo pero di naman ng co-comment.
hahhaa.. trulalu ba tlagang survivor si Brida? tsk.. nakakatakot na experience..
sayang naman sa isla.. tsk.. muntik na.. naudlot pa.. sayang naman!hahahhaahah!!
haha, nakaktuwa sobra... pero totoo ba ito? tumbling!
oo sige... hahaha! bongga naman pala si BRIDA biruin mo ba namang me ganunang moment pa sila ni otoko. pero sayang ang miles. sayang pa rin talaga.
Post a Comment