Mga ilang araw na din mula nung dumating ang tatlong machete sa baler ni Big Beki. At so far so bright naman ang takbo ng lahat. Swak na swak nga daw sabi ni Brida, tatlong bakels para sa tatlong hombre.
Syempers, mahal na araw, at kemeng nakikiisa ang mga bakla sa diwa ng holy week. Dahil wit bujayla para mag-out of town, sa baler lang sila naglagi.
Brida: Ate, tinutubuan na ako ng hasang at kaliskis. Puro na lang isda ang lafang.
Nini: Ayaw mo nun, mapapanindigan mo na ang lansa mo. Chos!
Brida: Look who is talking! Haha! Basta! Never na ako kakain ng isda! Nevah!
Big Beki: Arte mo bakla! Tandaan, isang linggo lang naman tayo mag-iiwas sa karne eh. Makiisa naman tayo sa diwa ng semana. Tiis lang muna. Kung ayaw mo ng isda, ayun sa labas madaming damo.
B: Hay ewan. At naku ateh ah, nabuburyo na din ako ditey sa baler. Walang magawa. Wala man lang magandang palabas sa tv.
N: Plakumba! Sinabi mo pa. Teka, mag-DVD na lang kaya tayo? Diba may binayla kang DVD nung isang araw? Napanuod mo na? Panuorin natin.
B: anong DVD? yung M2M?
BB: Hep hep! M2M kayo dyan! Diba ang sabi ko, pati yang mga makamundong chorvah ninyo eh tigilan na din muna? At least for the holy week! Itigil muna ang kakatihan niyo. Bawal ang porn ngayon!
N: OA na, KJ pa. Haha. ay naku Brids, lika na nga lang at magkulutan na lang muna tayo. O kaya makikanta tayo ng pasyon with the thunder bombs diyan sa neybor. Kaloka noh? Yung mga kumakanta puro tunog lupa na. Kung ako yan kakantahin ko ang pasyon to the tune of Single Ladies. (kakanta) Namatay si Kristo-oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh-oh-oh… may choreography pa yan! Chos!
B: Haha! Bakla ka! Teka, anong oras daw ang juweywey nung tatlong otoks?
BB: Ewan ko. Ang sabi naman di sila gagabihin eh. Maya-maya siguro anditey na yung mga yun.
N: If I know, miss mo lang si Irvine eh. Aynaku mare, nashumaan ka na talaga sa Ingliserong Tisoy na yun no? Maya’t maya, hinahanap mo.
B: No comment!
N: Ang showbiz mo pota kah!
B: Eh bakit ikaw din naman panay ang pa-cute kay Jasper ah! Aynaku Big Beki, bet na bet din nitong si Nini yung pamangkin mo.
N: Shatap!
BB: Hay naku, ewan ko senyo. Tigil tigil nga muna. Diba ang sabi ko, bawal ang kalandian ngayong semana?
N: Buti na lang di bawal ang magaganda, kundi nagpakamatay na lang ako. Ang ganda ko noh?
B: Weh, iniiba ang usapan...
N: Gaga, eh anu naman masama kung bet ko si papa J?
B: Wala. Ok nga yun eh, happy fefe tayo. Haha! Kaw ateh, sayo naman si Kiko. Diba ganun din ang mga type mo? Matangkad na parang basketbolista, maganda ang katawan, semi-kalbo, chinito at brusko ang arrive? Perpek kayo ate! Pakak na pakak! Tig-iisa tayo ng ulam. Haha!
N: Oo nga ano? Alam mo, naisip ko na din yan eh. Silang tatlo na yata yung mga sagot sa ating mga panalangin! Plakadong plakado ang match! Perfect si Big Beki kay Kiko. Ako naman, yung mga type ni Jasper ang bet na bet ko---Yummy ang shutawan, rakista effect, long hair, pang hardcore! Aw!
B: Akala ko ba may Stanley ka na? Ha?
N: Eh, shempre iba yung si Stanley. Sa teks lang naman yun eh. Ang usapan natin ngayon eh ang tatlong hunks dito sa baler!
B: O sya. Anyway, si Irvine naman sakin. Maputi, makinis, matangkad, may lahing porenjer at boy next door! Yun nga lang panay ang ingles, nakakaloka! Noseblood! Hahaha!
N: Bakla, jackpot tayo no? Three on three. Diba ate? Diba? Diba?
BB: Ay ewan ko sa inyo! Basta paalala, behave muna this Holy Week! Wit wit muna ang paglalandi at kaeklavuan. Magngilin tayo at magnilay sa mga kasalanan natin.
B: Ayan ka na naman teh. Naku, whatever! Din a uso yang mga ganyan.
(darating ang tatlong otoks)
Kiko: Magandang hapon po.
Jasper: Oh tita BB (short for Big Beki), andito pala kayo sa taas, akala ko nasa baba kayo.
BB: Uy andito na kayo. Naku sarado muna ang shop sa baba hanggang Sabado Gloria..
Irvine: We have pasalubong. We bought you guys some seafood on the way home. Have you already eaten your dinner?
B: Oh that’s so sweet of you naman. No we did not eat yet. I wanna eat you. Your food, I mean.
N: O kala ko ba wit mo na bet ng isda?
B: Che! Wag ka na makialam! C’mon Irvine, lets prepare the dinner. Im hungy already. What’s your favorite seafood? You like tahong, ow that’s yummy. I like the fish espada cuz it’s long. Or the suso, cuz I like doing the sipsip, like the slurp slurp! Hihihi. (hihilahin ang lalaki papunta sa kusina)
BB: Hoy Brids, shundaan mo ang mga bilin ni watashi! Juhal na nyoraw ngayis!
B: (Deadma)
N: Pagod ata kayo. Kamusta ang lakad niyo?
J: Okay naman. Di naman masyado nakakapagod. Wala nga lang masakyan. Medyo napalakad din kami ng medyo malayo. Hassle nga eh, tignan mo to, nasira ang isang strap ng tsinelas ko. Haha.
N: Tsk, kawawa ka naman. Halika, tahiin natin yan. Alam ko kung pano remedyuhan yang mga ganyan. Expert yata ito sa mga tahian, you know, tusok here and there. Tususkan in short. Lika, nasa kwarto yung panahi ko. Kung gusto mo i-cross stitch pa natin yan eh. Mas malakas din ang electric fan dun, dun ka na muna magpahinga. (hihilahin din si Jasper papunta sa kwarto)
BB: Hala! Have mercy kayo mga bakla! Mahal na araw ngayon!
N: (Deadma) Kiko: Mukhang iniwan na tayo nung apat ah. Haha.
BB: Oo nga eh.
K: (Maghuhubad ng t-shirt). Ang init, grabe. (gagalaw-galaw ang mga muscles habang nagpapaypay)
BB: (Tense, pasulyap sulyap sa katawan ng loko. Kumikintab dahil sa basa ng pawis) Potah! Lord ilayo mo po ako sa…
K: Ano balak mo ngayong semana?
BB: Wala naman. Magngingilin. Magninilay. Magdadasal.
K: Wow.
BB: Eh ikaw?
K: Wala, pahinga lang. Ang religious mo pala ate.
BB: Di naman, hobby ko nga ang magdasal eh. (titig na sa dibdib ng otoks)
K: Haha.
BB: Gusto mo dasalan kita ngayon? Magaling ako magdasal, nakaluhod pa. Lika, sa kwarto ko madaming rebulto. Dun kita dadasalan. (hihilahin ang otoks papunta sa kwarto)
Pagkapasok ng kwarto, sinara agad ni Big Beki ang pinto. Napalakas ata ang kalabog ng pinto. Lock.
Brida at Nini: Ateh!!! Mahal na araw ngayon, remember!?!?! Hahahaha!
Big Beki: Heh! Whatever!!!
*Keme lang. Wala pa namang nangyari sa kanila. Na-establish lang ang mga bagong loveteam sa baler. Abangan na lang ang mga susunod na kabanata.
6 comments:
kaloka to atehhhhhhhhhhhhhh
ang swerte ng mga bakla. ponyeta haha
akin nalang si irvine! chos
malapit na matapos ang holy week o. pano ba yan! bonahan nanaman ng bongga bongga. ching lang hehe
good thing im an athiest.
hantaray. may continuation pang nalalaman.
pakshet naman oh... sabi ko d na ako magmumura.. panata ko ngayong mahal na araw...
pero nieta hindi ko kinaya hahahaahaha
ang saya
Nice naman,... Ill be in baler next week... sa Mindoro kasi ako nag holy week... nag aadventure ako ngayon.
Herbs D. - naku, makaka-away mo si Brida niyan para kay Irvine. haha. antabayanan na lang kung may mga bonahang magaganap.
Yj - bakit ka naman kasi nagmura? potah naman oh...
chos!
Richard the Lionheart - wow! bakasyonista! haha! pasalubong naman diyan, isang tamaraw from mindoro. chos!
bisita kayo lagi sa baler ni watashi ha!
ate! winner! nawiwindang ang ninang nyo pag bumibisita sa inyong balur.
SEMANA: nakss naman talagang na-establidh na??? hehehehe! Gudlak na lang sa inyo at sana naman eh magkatuluyan kayong magkakapartner, para kayong Honey, My Love, So Sweet! hehehe...
Post a Comment