Showing posts with label brida. Show all posts
Showing posts with label brida. Show all posts

Friday, June 20, 2008

USAPANG TAE



NINI: ateh, nagtatae ako.


BIG BEKI: bakit, anis na naman ba ang nilafang mo?


BRIDA: overdose sa notring ateh! oh baka laklak mode ng shumods. hahaha!


NINI: potah! malakas ka naman pala maka-bastos eh! hindi no! yun atang binili kong nilagang saging kay aling Betsaida sa kanto.


BRIDA: ay, di naman pala nutring, SAGING naman pala eh. hahaha!
NINI: pakyu ka! kita mo na ngang lotlot ang byuti ngayon ni watashi, di maka-rampage dahil negative baka ma-shu-e na lang ng bongga bigla diba? lusita valdes naman yun ng malala!


BIG BEKI: eh juminom ka na biz ng nyomut? may Lomotir pa akis sa kwarto ko, bet mo?


NINI: nakainom na ateh. kulang na nga lang eh gawin kong nagaraya ang Lomotir para lang bonggang masolusyunan ang aking pagshushu-e.


BRIDA: anis ang saychi ng erna mo mare?


NINI: ay! sabaw mare! bet mo for lunch?


BRIDA: gagu! anong kulay?


NINI: eh bet atang ipa-describe sa akin in detail eh. well, just to let you know, sabaw siya na kakulay nyang balat mo, mejo may mga shiginingning na kasama at more more dahon ng malunggay at kemeng mga maliliit na pira-piraso ng kung anik anik. baka bet mo pa ng sample, bibigyan kita, para ma-examine mo naman.


BRIDA: wow eh! pero lam mo yung kahapo pa din ako nagtataeh? kasi naman dun sa iskrambol ni manong eh! ayun nga. lam mo yung akin, kulersha maroon nung umpisa tas malapot, pero nung in the middle of the story crystal clear na! ngayon ganun pa din.


NINI: crystal clear ka dyan! tae na crystal eh! baka colorless kamo!


NINI: keme na yun! ayun nga. tapos super baho. mas malala pa sa bulok na pinabulok na itlog. palagay ko makyoho din yang erna mo ngayon!


BIG BEKI: kadiri naman yang usapan ninyo.


NINI: pusa oh! malakas ka din maka-trip sa tae eh noh? malamang pinaglihi ka sa tae ng nanay mo? o kaya ipinanganak ka sa kubeta tas shoot sakto sa inidoro, kasabay ng tae ng nanay mo!


BIG BEKI: shatap na! nandidiri na akis ah! uminom na lang kasi kayis ng gamot para mawala na yang mga ernalicious nyong sakit.


PIPAY: (nagmamadaling pumasok ng pinto, humahangos papunta sa banyo)





KABOOOOG!!!!! (sarado ng pinto)





BIG BEKI: Nini, I INSIST! ilabas mo na nga yung Lomotir ko sa cabinet sa kwarto! NOW NA!

Saturday, June 7, 2008

ang feminine wash at ang muriatic acid

BIG BEKI: Echas!!! at ang mga bading sumusobra na ang pag-iilusyon!!! (sabay labas sa banyo). HOY HOY HOY!!!!

NINI: (nagpiprito ng itlog sa kusina) ANO YUN ATEH?!? ke-aga aga nagwawala ka jan! nireregla ka ba?

BIG BEKI: HINDI! pero meron sa inyo ang feeling regla!

PIPAY: ano yun ateh? (naglalampaso habang umiinom ng kape)

BIG BEKI: ipaliwanang niyo nga sa akin kung kanino ito at para san ito? (sabay labas ng feminine wash). nakita ko ito sa banyo, nakasuksok sa may ilalim ng lababo. ano na??? nakakaloka na ah!

-nagkatinginan ang mga tukling.

-isa...

-dalawa...

-tatlo...


BRIDA: GUILTY! puke naman ateh oh, binuking mo naman ako.


-palakpakan ang lahat.


BIG BEKI: anu na Brida? para san to? nakakaloka ka ah!

NINI: tama yan gurl! believe in your dreams!

PIPAY: pakak! malay mo, may magic pala yan diba. pag pinahid mo sa nota, magiging kipay bigla!

NINI: but wait! there's more! rereglahin ka pa!


-palakpakan ulet.


BRIDA: mga bakels, hindi ganun yan. pakinggan ninyo ako.

-tumahimik ang lahat. sabay tumitig ng malapitan kay Brida.

BRIDA: kilala ninyo naman si Ederlyn diba?

PIPAY: oo, yung chimay nila maribar.

BRIDA: plakumba!

NINI: oh, ano meron kay Ederlyn?

BRIDA: chinika kasi niya sa akin kagabi yung sikreto niya kung bakit makinis ang fez niya. ayun nga, feminine wash daw ang gamit niya sa mukha.


-katahimikan.


-isa...

-dalawa...

-tatlo...

-palakpakan ulet! with more more tumbling ng beri nice...


BIG BEKI: naniwala ka naman? alam mo, kung di ka aanga-anga, tatanga-tanga ka naman. ewan ko ba sayo! tama ba yun? feminine wash, gamitin sa mukha? baket? mukha ka bang pekpek?

NINI: in fairness ateh, oo nga. malapit na! biyak na lang sa gitna ang kulang.

PIPAY: pero alam mo, magastos yang feminine wash. mahal ang lactashib mare! kung kinis lang naman ang habol mo sa mukha, mag-papel de liha ka na lang. o kung mas bet mo, mag-steel brush ka. meron din dun sa ilalim ng lababo.

BIG BEKI: at isa ka din! ikaw pala ang salarin ng steel brush sa lababo! nagtaka ako kung bakit merong ganun sa banyo!

NINI: no wonder Pipay, mukha ka na ding pwet ng kaldero!

PIPAY: hoy Nini! baka bet mong ikuda ko din ang sikreytow mo!!!

NINI: oo nga pala ateh, dumating na yung bill ng meralco.

PIPAY: che! wag momng ibahin ang usapan! alam mo ba ateh...

NINI: ay si Rodrigo pala hinahanap ka kanina, ateh.

PIPAY: echas! Big Beki, yang si Nini, nahuli ko minsan sa kwarto niya. Itanong ninyo sa kanya kung para saan yung muriatic acid at iskoba sa cabinet niya.


-nanlaki ang mga mata ng lahat. si Nini napalunok ng bonggang bongga.

-katahimikan...

-isa...

-dalawa...

-tatlo...


PALAKPAKAN....

Thursday, May 29, 2008

BYUKON GALORE

malamang, madami na sa inyo ang nakapanuod ng mga byukon pang-tukling. at alam nyo naman kung gaano magpatalbugan ang mga beka. at production pa lang, kahit wit na bujey, kumakarir ang mga bakla. at sinech nga ba ang makakalimot sa mga panalong mga intro kuda ng mga bading?

etelbam ang ilan sa mga plakadong opening remarks ng mga byukonera lalo pag pang-miss universe ang drama:

Miss Universe intro music:


Gutom ako, gutom kayo, gutom tayong lahat!
HUNGARY!


Olah viola kaserola tinola saranggola arinola ni lola!
VENEZUELA!


Boom, kabum, kablam!
AFGHANISTAN!


Malay mo, malay niya, malay nating lahat!
MALAYSIA!

Pake mo, ake ko, pake nating lahat!
PAKISTAN!

Baha doon, baha dito, baha sa buong mundo!
BAHAMAS!


Hindi saken, hindi sayo, kanino siya?
KENYA!


One way, two way, there's no other way!
NORWAY!


Sing ka na, sing ka pa, sing tayong lahat!
SINGAPORE!




eto ang pinaka plakado sa lahat. nung sumali si Brida sa Ms Gay Kalentong last year, eto ang eksena ni mare:





Tong Tong Tong, Pkitong Kitong!
HONG KONG!



yun na!

Monday, May 26, 2008

the BAYOLA IDOL:mga anik anik na nakakalurkei

ANG CHAKA!!!

yan lang ang makukuda ko sa Pinoy Idol. nag-watchlaloo kami nila Nini the other night ng PI at mapapa-PI ka talaga sa chaka ng production at ng mga songers.

ang expect kasi ni atashi, bonggacious to the maximum level ang drama ng GMA gaya ng mga kuda at promo nila. eh it turned out, mas kabog pa ata ng sis at eat bulaga ang prod.
una, nakakalurkei ang set mare. dahil nga top 24 pa lang, anjiit ng stage. pero ang arangements at ang mga ilaw, malakas maka-master showman. mahihiya ang perya sa mga lighting effects day!

eto pa, yung mega promote nilang mga top 24 na "the best" around the country daw, eh susmaryosepness! mas papasa pa ata yung loro ng kapitbahay namin eh, na marunong mag-doorbell voice. super kokonti lang talaga ang marunong bumirit. yung iba, lot lot de leon na sa pagkanta. A for A-port na lang sa lakas ng loob.

luz valdez din ang mga fez ng mga lolo at lola mo. the fact na napa-make over na yung mga yun, madami pa din sa kanila ang mga mukhang chimi, kargi at mga barker ng jeep. yung mga bilat parang nag-day off lang at nabihisan ng very very light. yung mga otoko naman, pinagmukhang mga bayolabells sa malate.

pakak! ang mga otoko finalists, masyadong maamoy!!! malansa! di maipagkakaila---pakawala sila ng mga lahi ni bukanding!

for sure dedbol, kalahati o mas marami pa sa kanila ang hindi naman talaga tunay na lalaki!

ALAM NA!!! kaya ang dapat na title ng show ay---BAYOLA IDOL!

nahawa na ata sa host! charos! yiz! ang lolo raymond mo na isang napakalaki/taba/lobo/dambuhala/baboy na paminta!

check! peppermint ang drama. keme na yung bet na bet ko yung twinlaloo nyang si richard, pero ang lolo raymond mo, minsan nakasabay namin sa edsa shang, may i tili si lolo mo ng "oh my gaaahhhd! that's so fab! i think you should get that!" nung ma-sight ang isang bestida sa zara. kabog lang! nahiya yung mga saleslady ateh, pati yung mega fur outfit ni Nini at yung boobs ni Brida. si Pipay nga, na may lahing francisco dagohoy, muntik maghoromentado sa inis! lakas kasi maka-landi ng lolo reymunda mo.

anyway plokness, yun nga at mega jirita talaga ang pamintaness ni raymond. mag-out na kasi! im sure matutuwa ang mama annabell at ate ruffa mo nyan dahil may kasama na silang magpapa-parlor. try no yung parlor ng kumare kong si wanda. bet dun! may discount pa kayo por shur!

mega disappointing din ang mga judges lalo na ke lola wyngard mo na bet magpaka-simon cowell eh pang mother lily lang naman ang kaya ng powers nya. isa siyang malaking katatawanan sa show. wa namang K magtumaray at in fernez, wa naman lagi sa lugar ang mga pagtataray. in short, wa talaga siyang K. hahah! anu daw?

eh ayun nga. isa nalang malalang GOODLUCK sa Pinoy Idol na yan. sana mairaos ng GMA yan, dahil kemeng chakaret talaga.

ayun lang.

Sunday, May 25, 2008

PINAKBET: Bitter Bitteran Chorbah (The PAPA LEO Chronicles)



alas sais ng gabi at kaka-arrive lang namin ni NINI sa baler ni atashi galing palengke. muntik ko nang mabitawan ang mga supot na hawak ko nang ma-sight ni atashi ang text mula kay PAPA LEO.

LEO: hi emerlitz. musta na u? leo to, naaalala u p b me?

ATEH: ui leo. nakaalala ka. ako okay lang naman. kaw kamusta?

erase erase. parang di epek ang text. masyadong usual. dapat yung kakaiba.

ATEH: konbanwa! eto, kerebells lang naman ang buhay. magandsa pa din. kaw naman kamusta? miss mo na ako no?

erase erase. masyado namang feelingera. baka di na magtext ulet.

ATEH: hi leo. im fine. ayos lang naman ang buhay-buhay. ikaw kamusta na? ano na balita sayo? long time no text ah.

send.

nag-waiting galore si lola mo habang inihahanda na ni NINI ang mga lulutuin ni Brida pang-hapunan. at napagdiskitahan tuloy ng lola mo yung choknut na binili ni nini.

after 5 minutes.

LEO: oo nga eh, nag-japan kasi ako. kakabalik pinas ko lang last week. buti naman ito pa din ang gamit mong number.

ATEH: ah, oo. wala naman kasi akong rason para magpalit ng numbra eh. so totoo nga pala yung balita nun na nag-japan ka. akala ko kasi
hindi totoo.

LEO: oo eh, nagtrabaho ako dun ng six months as entertainer.

ATEH: entertainer nga ba o bed-tertainer? hehe. joke lang

LEO: haha. kaw talaga. may uwi nga pala akong mga chocolates at alak, inuman tayo kung gusto mo.

pakak! parang nabarahan ng choknut yung ngala-ngala ko! nomahan daw ateh! eto na yun eh. isa lang ang ibig nitong sabihin. nomanation night equals penetration night! wagi!

ATEH: sige ba. kelan mo gusto? dito nalang tayo sa bahay ko. ipapakilala ko din sayo tong mga ampon ko.

LEO: ganun ba? sige, ngayong gabi na.

aba! agad agad ang gusto ng loko! may chance kayang maligwak ang beauty ko tonight? napaisip tuloy ako. kung ngayong gabi, malamang wala na si Pipay dahil may pasok siya sa call center, si Brida ay may date daw with his jowawis. ako at si Nini lang ang pasok sa finals. malamang di naman ako aahasin ni bespren.

ATEH: sige leo, mamya. punta ka nalang dito mamyang mga 9pm. maglilinis pa ako ng onti para naman di nakakahiya sayo.

LEO: sige, see you. may kasama pala ako sayo mamya ah. papakilala ko din sa inyo. siya si Kiko.

awoaw!

mas nasamid na ako sa choknut mare, at kinailangan na ng lunok-laway powers!
aba! 2 lalaki ang putahe mamaya. kung sinuswerte ka naman talaga oh! oh well, tamang tama, tig-isa kamin ni nini. happy ito!

ATEH: okay, sige. hihintayin kita. see you later! (ismayli pes, ismayli pes, ismayli pes at isa pang ismayli pes!)

POTAAAAAHHH!!!!!!!

NINI: oh, ateh, anu yun???

ATEH: Nini, magpalit ka. gusto ko yung teletubbies mong costume! dadating si Papa LEO mamya, nag-aayang magnomabells. bex, itey na ang chance kong matagal nang hinihintay! Brida, magbihis ka na at mauna ka na dun sa date mo. ako na magluluto. Mahirap na at masight ka ni Leo, mapagkamalan kang bilat, matalbugan kami. go na! now na!

BRIDA: sobra ka naman ateh. sige na nga. pero teka eh pasado alas-sais pa lang eh. mamyang 9 pa yung usapan namin.

ATEH: eh di maghintay ka dun.

BRIDA: ang tagal pa nun 'teh. di ko ata bet, malala yun!

ATEH: eh di i-advance mo yang relo mo pra kunwari sandali na lang yang hihintayin mong oras.

BRIDA: (nag-isip) oo nga noh. sige ateh. gogora na po.

ATEH: potah! tignan mo to Nini, Ganda Lang talaga!

After more than 2 hours, plakado na ang bahay ni ateh. malinis at mabango. ang lola mo din, nakaligo na at chumorbah ng bonggang outfit of the night. pero kung outfit lang din ang paguusapan, eh wala nang kakabog kay Nini na nakasuot ng damit pang-sto nino with all the glitters and sequince, at major feathers on the hair. akala mo rarampa, pero nonoma lang naman.

maya-maya din ay may bumusina nang kotse sa labas. nakakalurkei, ang papa Leo ko nun na halos walang pampamasahe sa tricycle eh di-kotse na ngayon. pagkatok sa pinto ay agad kong binuksan, ewan ko ba, mejo kinakabahan ako.

ano na kaya ang hitsura ni Leo? gwapo pa din ba siya? malaki pa din ba katawan niya? pumuti na kaya siya o moreno pa din?

pagbukas ko ng pinto, halos himatayin ako bax!!!

anu ito!?!?!

LE----LE----LE----LE---A?!?!?!?

si LEO, LEA na ngayon?

UMAY MARE!!!!
lakas maka-bilat ng lolo mo!
happy foundation day, mega skinny jeans, blush on, golden hair--alam na! di na maipagkakaila!

halos di ako makangiti sa eksena. di ko kinaya!!!

LEO: huy emerlita! long time no see! at kemeng bumeso pa ang lolo mo. eto pala yung sinasabi kong si Kiko (infernes, may itsura si kuya at bet na din ang fez, is short, pasar na!), boyfriend ko.

gusto kong mag-time space warp, ngayon din!

potah ka! beking beki na ang dating boylet na kinakarir ko nun. kamusta naman diba?

so ayun, wala naman akong magagawa. alangan namang titigan ko nalang siya sa may pintuan magdamag. kaya pinapasok ko sila at more more pinapasok ko na sila sa baler ko.

una, dalwa, bente, kwaretna, siyento trenta segundo akong tulala at nanlata. daig ko pa na thundershock ni pikachu.

LEO: gurl, okay ka lang? gusto mo na ata magsimula eh.

ATEH: ah, eh, okay lang. go! start na. Nini, maglabas ka nga ng 2 baso tas yung mga ice yelo ilagay mo dun sa mini batya.

at yun nga. waing nagawa ang atenggay mo. numoma kami. nagka-chikahan at nagka-openan ng mga bagay-bagay.
at least nalaman ko kung ano ang nangyari sa dating papa Leo ko, na ngayon ay kumareng Lea na.

natapos ang nomahan session nang maayos. walang kemehan, walang hadaan o kung anumang kachorvahan. nakaka-disappoint, aaminin ko! lecheng nagprepare pa naman ako, akala ko after 48 years eh madidiligan na din sa wakas ang lupang isinumpa ng global warming at el niƱo phenomenon.

pero alangan namang ipilit ko diba? parehong matamis na botomesa, nag-kemehan. ano yun, horror movie? kaloka!

ganun talaga. wika nga eh, change is the only thing constant in this world. isa na siya dun.

malakas maka-realize na lahat ng tao ay may kapasidad magbago ng bonggang bongga, ayon na rin sa kagustuhan nila.

wit ko lang knows kung kere kong magbago---pero para sa inyong lahat, NEVER EVER!

the powder puff gays: si BRIDA, PIPAY at NINI

mga ateh, bago natin palawigin at ikeme to the highest level ang blog na itembang, eh let me keme to you all my three housemates na kasalo ko sa araw-araw na buhay. ang tatlong beka na aking inampon at kinupkop sa aking baler, at araw-araw na nagbibigay kulay sa aking buhay.


si BRIDA

siya ang aking brainy-less na friendship. as in boklots, shoboloo, shungakers at ngangaerz to the max. di naman sa pagmamaliit, eh talaga naman mamaliitin mo ang IQ niya. pero wag ka, itong mare kong itey, kung nuknukan man ng kabobohan eh wagi naman sa fez. aminado naman ako eh, mas lamang siya sa akin ng isang paligo, toothbrush, hilod at facial. siya ang baklang half human, half science. dahil galing sa bonggang familia, kereng kere niyang bumongga ng mga kung anik-anik sa katawan. si bakla ang pinaka-dyosa sa lahat. mahihiya ang mga merlat sa katawan at fez ni badeng---collagen kung collagen ang drama, mula boobs, cheekbones, baba, balakang at kung san-san pa. nota at ngala-nagala na lang ata ang di pa niya napapagalaw sa doktor. kaya pakak na din kahit papano---balance of nature kumbaga. lost ang IQ, bet naman sa fez. sabagay, sa mundo ng kabaklaan, minsan GLY (Ganda Lang Yan) lagi ang labanan. actually, ilan sa mga kontest na sinalihan ni bex, wagi pa din siya kahit lot lot de leon ang mga sagot sa Q&A. Ganda Lang Yan! haha!


si PIPAY

isang call center agent na kung umingles eh tatagain ka ng mga out of this world niyang linya. mahihiya si Melanie Marquez, Janina San Miguel at Ethel Booba sa grammar and "pronouncement". at sa balay ni atashi, si Pipay ang pinaka warfreak. araw-araw, parang laging may giyera. mainitin ang ulo at daig pa si gabriella silang pag nagalit. sa laki ng katawan ni bex, kayang kaya niyang pataubin si manny pacquiao sa isang sampal lang. mahihiya si machete sa mga masel ni bakla, na pakak na pakak sa mga outfit nyang spaghetti strap, tube o di kaya bestida (yung 2 for 150 sa divisoria). samahan mo pa ng nagmumurang make-up araw araw na happy foundation day lagi ang drama at blush on galore sa pula ng pisngi. yun na yun.


at syempre, si NINI

ang aking bestfriend na mula nung college ay kasa-kasama ko na. madami na kaing pinag-share-an nito--mula sa bahay, mga damit, pagkain, experiences, ligaya, lungkot, pati lalaki---lahat yan magka-share kami. siya ang sunshine ng bahay. ang laging positive sa lahat na super bet na bet naman namin dahil gumagaan ang aura ng balaychi ni watashi. keme lang ang jitsura ni marse pero hanep naman kumabog sa outfit. dadaigin pa si tessa prieto valdez sa kanyang wide range of Ukay outfits na di mo ma-ispel kung ano ang bet nya sa buhay. well sabi naman niya it's his form of expression kaya kere na yun, and as a theater and stage actor, it's his for of art. (gumaganun oh!) nakakawindang lang dahil minsan ultimo pambahay niya eh naka-mulawin outfit ang lola mo, at kung mamamalengke ay naka-winter wonderland outfit, na tipong ang global warming eh mahihiya sa kanya ng very very nice. Kabog!


sila ang aking mga alagad sa bahay. ang aking katuwang sa buhay, negosyo, pag-ibig at kung anik-anik pa. ang mga rekado na nagpapasarap ng aking mga storya ng pang-araw araw na buhay.

at mula ngayon, di lang sila magiging parte ng buhay ni watashi, kundi pati kayo na din.

kasama sila, babaklain namin ang buhay niyo at wiwindangin ng mga kung anik anik na kwento at istorya ng buhay bading na nakaka-aning.


pano yan ateh, hanggang dito na muna...

baboosh!