Monday, June 8, 2009
AH1N1 HAPPY KAARAWAN!
kuriring! kiriring!
Nini: hello! maganda pa ako sa umaga!
Kikay: Oh gurl, da what?
N: gurl, paki-chona naman diyan sa eskelembang na wit muna akis makaka-josok ngayis dahil major nilalagnush akes.
K: sige mare, gogogo! ako na bahalang chomorbah dito.
N: salamat gurl!
-toot-
Nalulurkey ang lola Nini shodey dahil malalang malakas maka-utik ang lagnush ng bekbek. di naman major lagnush, tamang init-initan factor lang with matching kafelya and koldalu, with major hilo-hilo on the side.
(jojosok sa kwarto si Big Beks at Brida)
Big Beki: oh bax, numongga ka naber ng nyomut?
Nini: yizterday once more.
Brida: sabi ko kasi sayo shomod ang laklakin mo eh, tignan natin kung di ka gumaling! char!
N: potah ka. palibhasa ikaw, sa shomod lang umiikot ang buhay mo. kulang na lang shomod na mismo ang dumaloy sa katawan mo hindi dugo!
BB: kemeng nakalafur ka na ber bago numongga ng nyomut?
N: yiz ateh, skyflakes lang at milo.
(papasok sa kwarto si Jasper at Irvine)
Jasper: o kamusta na ang maysakit?
Irvine: we bought you apples. (sabay abot kay nini. si Big Beks ang gumetlak)
BB: bakit ba pag may sakit, laging mansanas ang binibigay?
B: because an apple a day, is 7 apples a week!
BB: pakak! alam mo yan! uy sis, penge nitong mansanas ah.
B: ako din penge!
N: na-touch naman ako boys, thank you ha. sige ateh getlak lang kayiz.
J: mainit ka pa din ba?
N: kanina hindi na pero ngayon nag-init ulet ko kasi andito ka...
B: pakak! ayun yun eh! o sha, jujubas mun akey at babalatan itembang mansanas.
BB: sama nako sayo.
B: let's go Irvine, let's leave them to the marines. they will moment each other.
(jumubas ang tatlo at naiwan ang dalawa---malamang!)
J: hay iniwan na naman tayong dalawa. nakakahalata na ako ah.
N: uy galit ka ba? ayaw mo ba? sabihin mo lang kung ayaw mo at kakausapin ko sina big beks na tigilan na ang pantutukso satin.
J: hindi naman. ayos lang. kaso...
N: kaso ano?
J: wala.
N: ano nga? nagiisip ka ba na baka alam na nila yung nangyari satin nun?
J: hindi noh.
N: eh wala pa naman nakaka-alam eh. wala naman ako sinabihan except ke Lord. eh ano nga kung hindi yun?
J: sure ka wala ka pang pinagsabinhan?
N: oo naman. kahit kating-kati na akong magkwento kina Big Beks. ang alam nila, bergin pa din akez. unless sabihin mong ok lang na malaman nila ayun, tsaka ko lang ichichika sa kanila.
J: haha. wag na.
N: okay. sabi mo eh.
J: eh bakit palagi nila tayong tinutukso?
N: kasi alam nila na crush kita.
J:-----
N: ahehehe. keme lang yun. wag mo nang pansinin yung sinabi ko. (sabay pikit kunwari matutulog---echos lang, umaasang hahalikan siya ng otoko)
ilang minutong walang imikan. tahimik...
pagdilat ni Nini, mag-isa na lang siya sa kwarto. (kabog ang moment! may papikit-pikit pa kasing nalalaman eh)
sa baba ng bahay, sa may kapihan ng mga bakla, nakatambay ang lahat.
BB: o jasper, bakit iniwan mo kaagad si nini sa kwarto?
J: tulog na po eh.
B: ay naku, hindi tulog yun. hindi tinutulugan ng mga bakla ang mga lalaki noh!
Kiko: Big Beks, panuod ng TV ha. (sabay kuha ng remote at in-on ang TV)
-kuriring! kuriring!-
Big Beki: hellouer! oh... opo... hindi po, si Big Beki to. ah, si nini nasa kwarto po niya nagpapahinga....ah....DOH?...bakit naman po?... ah.... oh... ah... oh... oh... oh... oh no!!! A H1N1 ano? swine flu? si nini baka may swine flu? hawa? patay? ano? ha? ay p*tangina! sige po. ora mismo! thank you! thank you! bilisan ninyo po ha. thank you! babush!
nagkatitigan ang mga housemates sa narinig kay Big Beks.
Friday, May 29, 2009
HAYDEN, OH HAYDEN!!!
Malakas makautik ang mga kachorvahan.

Background music: Careless Whisper
Nini: Lakas makabuang ni Hayden no? Grabe!
Brida: Sinabi mo pa, Hardcore! Bet na bet ko pa naman ang hardcore! Hahaha
Big Beki: In fairness naman kay Katrina, kahit malandi yung pokpokin na yun, nabiktima naman talaga siya. Kawawa naman, pati lahat ng mga babaeng nakunan niya ng video.
N: okay lang, nasarapan naman sila nung ginawa nila yun eh. Kaya wag silang magreklamo. Alam man nila yun o hindi, karma na lang yang nangyayari sa kanila ngayon dahil una sa lahat, pinatulan nila si Hayden na alam naman ng lahat na jowa ni Belo!
B: Shet, ako kahit bidyuhan pa ni Hayden ng million times, basta kemeng maka-chorva ko lang siya!
N: Gaga! Napanuod mo na ba yung mga bidyo? Na-sight mo na ba yung mga pinaga-gagagawa niyang pambababoy dun sa mga merlat? Malupet yun ateh, baka di mo kayanin!
B: lahat kakayanin… alam mo yan! Hahaha
BB: landi… malamang mas papatusin pa nun si Aling Dionisia kesa sayo. Kipay ang kinakaen nun, hindi nutring!
B: Sino ba nagsabing papaken ako? Siya ang kakainin ko. Hahaha!
N: loka loka. Pero imaginin mo, mahilig si Hayden sa mani, eh diba nakaka-pimple ang mani? Pero wala naman siyang pimple. Haha
BB: ganun talaga kung mag Vicky Belo ka. Kahit siguro kadulu-duluhan ng hinliliit mo sa paa di tutubuan ng chismis!
B: Diba ang mani nakakapagpatalino din? Kaya siguro siya naging doctor! Charug!
BB: hahaha! Siguro ang mani nakakaliit din ng nota!
N: malamang. Gwapo at matangkad lang yang Hayden na yan eh. Pero in reality, wala namang maipagmamalaki---literally and figuratively.
B: Uy malaki naman ang katwan niya ha.
N: gaga, bakit, yung buong katawan ba niya ang ipinapasok sa kweba? Ha? May doubt na tuloy ako sa mga matatangkad. Di pala talaga lahat ng matatangkad eh malalaki ang sharugs!
BB: judgemental ka masyado. Haha!
B: uy si big beks, affected. Matankad nga pala si Kiko. Na-sight mo na ba ateh? Daks ba? O Hayden?
N: Feeling ko hayden…
BB: Hahaha! Eh bakit si Irvine, daks ba?
N: uhm… feeling ko wit din. Hahahah!
B: loka! E si papa Jasper kaya?
BB: malamang Hayden rin.
N: Hep hep! Akala niyo lang yan! Charot!
BB: ay statement yan! Hahaha!
B: masyado tayong assuming eh. Malay natin mga puro daku silang lahat. Bingo!!!
N: wala naman sa size yan eh…
Lahat: nasa performance!!!
N: teka, lam niyo ba kung pano malalaman at least kung anis ang possible size ng nutring ng boylet?
BB at B: paano?
N: Getlakin ninyo ang size ng pa ang lalaki.
BB: sus! Nagpapaniwala ka diyan!
N: uy ha, sakin naman accurate eh. Hahahaha!
B: gaga! Pero alam niyo kung paano talaga malalaman kung dakelya ba o majiit ang nutring ng ating mga boys?
BB: o paano naman?
B: maglagay tayo ng Hayden camera sa banyo. Mamya magsisi-liguan na yang mga yan papasok sa trabaho. Pakak! Hahahaha!
NAGKATITIGAN NA NAMAN ANG MGA BAKLA.
Wednesday, May 27, 2009
MGA SHOKENG SHOKOY SA SEASHORE
Kumakablam ang mga bakla isang araw bago manalo si Brida ng free trip to Boracay for three with overnight hotel accomodations. Syempre, kabog na kabog ang ex citement ng tatlong bekaloo sa kanilang chance papunta ng Bora.
kinagabihan bago ng kanilang flight papuntang Bora...
Nini: Shet! excited na talaga ko ateh. naku brida ha, sure kang ikaw na ang bahala ha. totoo talaga to at hindi playtime ha!
Brida: oo naman. syempre, trip to Boracay to. and im won. im won!
Big Beki: tinatanong ako nila Kiko kung san daw tayo pupunta, ang sabi ko Boracay. gusto daw nila sumama kaso nga lang mga purita ang mga loko ngayon.
N: ay naku, tama lang naman na tayo namang mga beka ang mag-summer getaway no. last week nung nag-pagudpod sila di din naman tayo nakasama diber? kung gagastusan naman natin sila, eh tayo naman na ang maging purita niyan. at at at tsaka, nagsimula nang mag-enter the dragon ang mga kabagyuhan sa pinas, bago man lang tuluyang mag-babu ang araw eh mai-date man lang natin ang beach.
B: tama ka diyan. oh, ready na ba ang mga swimsuit mo bax?
N: reding-ready na day! puro neon! buy one-take one sa st. franscis square!
B: potah ka, kinabog mo pa ako.
N: eh anu ba yang sayo?
B: bonggang one piece mailot lang. kulay silver, may mga beads. parang lady gaga lang.
N: kabog! ikaw na! ikaw na si LADY MAS GAGA!
BB: haha! potah kayo!
B: e kaw big beks? may switsuit ka na?
BB: ako pa! sorry na lang kayo, pang miss earth yata ang swimsuit ko!
N: ows, anesh?
BB: bright pink, super skimpy! at at at, ginantsilyo lang!!!
PALAKPAKAN ANG MGA BAKLA!
bising bisi ang mga badelbams sa pag-iimpake at pagchichikahan sa mga plano nila sa boracay. di naman halata ang excitement ng mga bakla, at di na sila nakatulog magdamag.
Kinabukasan...
after the short plane trip, mabilis pa sa alas singko ang pagkacheck-in sa resort ng mga beks. at walang keme-keme, daglian na agad lumarga ang tatlo sa dagat.

N: ateh, nararamdaman ko na ang tawag ng dagat sa atin...
B: "mga halamang dagdat... halina kayoooo... halina..."
BB: gaga! ikaw lang naman ang halamang dagat dito ah. kami sirena.
kemeng naghanap muna ng masisilungang puno ng niyog ang mga bax. nagsipahiran ng sunblock sina nini at Big Beki, si Brida busy sa pag-aayos ng jinipiter niyang nutring.
and there you go, nagsimula nang magtampisaw sa dagat ang tatlo. parang mga taga-bundok na ngayon lang nakatikim ng tubig dagat. parang mga kipay na uhaw sa basang dilig ng dama de noctches.
at pagsapit ng gabi, heto na mga bax! boy hunting ang mga bakels. kemeng mga porenjer o kahit local, pasok sa banga! sarisaring flavor! at jackpot na jackpot!
bentang benta ang beauty ni Brida sa mga kano, especially sa mga manyunyubis.
si big beki naman, pa-demure ang drama. malakas maka-utik. at may isang german na bet na bet siyang itake-out.
si nini naman, tamang landi lang. mas kinekeme niya yung mga bagets-bagetsan ang epek.
sa erport...
B: ateh, sis, akin na yung ticket natin, nasa klats bag ko kagabi. sino sa inyo ko pinahawak yun?
N: aba ma.
BB: keber!
*Paging all passengers of flight PR157 bound to Manila, kindly check-in at gate 2 please. all gates will be closed in 10 minutes. thank you.*
NAGKATITIGAN NA LANG ANG MGA BAKLA.
Saturday, April 11, 2009
SEMANA: Dieta ang mga Bakla
Mga ilang araw na din mula nung dumating ang tatlong machete sa baler ni Big Beki. At so far so bright naman ang takbo ng lahat. Swak na swak nga daw sabi ni Brida, tatlong bakels para sa tatlong hombre.
Syempers, mahal na araw, at kemeng nakikiisa ang mga bakla sa diwa ng holy week. Dahil wit bujayla para mag-out of town, sa baler lang sila naglagi.
Brida: Ate, tinutubuan na ako ng hasang at kaliskis. Puro na lang isda ang lafang.
Nini: Ayaw mo nun, mapapanindigan mo na ang lansa mo. Chos!
Brida: Look who is talking! Haha! Basta! Never na ako kakain ng isda! Nevah!
Big Beki: Arte mo bakla! Tandaan, isang linggo lang naman tayo mag-iiwas sa karne eh. Makiisa naman tayo sa diwa ng semana. Tiis lang muna. Kung ayaw mo ng isda, ayun sa labas madaming damo.
B: Hay ewan. At naku ateh ah, nabuburyo na din ako ditey sa baler. Walang magawa. Wala man lang magandang palabas sa tv.
N: Plakumba! Sinabi mo pa. Teka, mag-DVD na lang kaya tayo? Diba may binayla kang DVD nung isang araw? Napanuod mo na? Panuorin natin.
B: anong DVD? yung M2M?
BB: Hep hep! M2M kayo dyan! Diba ang sabi ko, pati yang mga makamundong chorvah ninyo eh tigilan na din muna? At least for the holy week! Itigil muna ang kakatihan niyo. Bawal ang porn ngayon!
N: OA na, KJ pa. Haha. ay naku Brids, lika na nga lang at magkulutan na lang muna tayo. O kaya makikanta tayo ng pasyon with the thunder bombs diyan sa neybor. Kaloka noh? Yung mga kumakanta puro tunog lupa na. Kung ako yan kakantahin ko ang pasyon to the tune of Single Ladies. (kakanta) Namatay si Kristo-oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh-oh-oh… may choreography pa yan! Chos!
B: Haha! Bakla ka! Teka, anong oras daw ang juweywey nung tatlong otoks?
BB: Ewan ko. Ang sabi naman di sila gagabihin eh. Maya-maya siguro anditey na yung mga yun.
N: If I know, miss mo lang si Irvine eh. Aynaku mare, nashumaan ka na talaga sa Ingliserong Tisoy na yun no? Maya’t maya, hinahanap mo.
B: No comment!
N: Ang showbiz mo pota kah!
B: Eh bakit ikaw din naman panay ang pa-cute kay Jasper ah! Aynaku Big Beki, bet na bet din nitong si Nini yung pamangkin mo.
N: Shatap!
BB: Hay naku, ewan ko senyo. Tigil tigil nga muna. Diba ang sabi ko, bawal ang kalandian ngayong semana?
N: Buti na lang di bawal ang magaganda, kundi nagpakamatay na lang ako. Ang ganda ko noh?
B: Weh, iniiba ang usapan...
N: Gaga, eh anu naman masama kung bet ko si papa J?
B: Wala. Ok nga yun eh, happy fefe tayo. Haha! Kaw ateh, sayo naman si Kiko. Diba ganun din ang mga type mo? Matangkad na parang basketbolista, maganda ang katawan, semi-kalbo, chinito at brusko ang arrive? Perpek kayo ate! Pakak na pakak! Tig-iisa tayo ng ulam. Haha!
N: Oo nga ano? Alam mo, naisip ko na din yan eh. Silang tatlo na yata yung mga sagot sa ating mga panalangin! Plakadong plakado ang match! Perfect si Big Beki kay Kiko. Ako naman, yung mga type ni Jasper ang bet na bet ko---Yummy ang shutawan, rakista effect, long hair, pang hardcore! Aw!
B: Akala ko ba may Stanley ka na? Ha?
N: Eh, shempre iba yung si Stanley. Sa teks lang naman yun eh. Ang usapan natin ngayon eh ang tatlong hunks dito sa baler!
B: O sya. Anyway, si Irvine naman sakin. Maputi, makinis, matangkad, may lahing porenjer at boy next door! Yun nga lang panay ang ingles, nakakaloka! Noseblood! Hahaha!
N: Bakla, jackpot tayo no? Three on three. Diba ate? Diba? Diba?
BB: Ay ewan ko sa inyo! Basta paalala, behave muna this Holy Week! Wit wit muna ang paglalandi at kaeklavuan. Magngilin tayo at magnilay sa mga kasalanan natin.
B: Ayan ka na naman teh. Naku, whatever! Din a uso yang mga ganyan.
(darating ang tatlong otoks)
Kiko: Magandang hapon po.
Jasper: Oh tita BB (short for Big Beki), andito pala kayo sa taas, akala ko nasa baba kayo.
BB: Uy andito na kayo. Naku sarado muna ang shop sa baba hanggang Sabado Gloria..
Irvine: We have pasalubong. We bought you guys some seafood on the way home. Have you already eaten your dinner?
B: Oh that’s so sweet of you naman. No we did not eat yet. I wanna eat you. Your food, I mean.
N: O kala ko ba wit mo na bet ng isda?
B: Che! Wag ka na makialam! C’mon Irvine, lets prepare the dinner. Im hungy already. What’s your favorite seafood? You like tahong, ow that’s yummy. I like the fish espada cuz it’s long. Or the suso, cuz I like doing the sipsip, like the slurp slurp! Hihihi. (hihilahin ang lalaki papunta sa kusina)
BB: Hoy Brids, shundaan mo ang mga bilin ni watashi! Juhal na nyoraw ngayis!
B: (Deadma)
N: Pagod ata kayo. Kamusta ang lakad niyo?
J: Okay naman. Di naman masyado nakakapagod. Wala nga lang masakyan. Medyo napalakad din kami ng medyo malayo. Hassle nga eh, tignan mo to, nasira ang isang strap ng tsinelas ko. Haha.
N: Tsk, kawawa ka naman. Halika, tahiin natin yan. Alam ko kung pano remedyuhan yang mga ganyan. Expert yata ito sa mga tahian, you know, tusok here and there. Tususkan in short. Lika, nasa kwarto yung panahi ko. Kung gusto mo i-cross stitch pa natin yan eh. Mas malakas din ang electric fan dun, dun ka na muna magpahinga. (hihilahin din si Jasper papunta sa kwarto)
BB: Hala! Have mercy kayo mga bakla! Mahal na araw ngayon!
N: (Deadma) Kiko: Mukhang iniwan na tayo nung apat ah. Haha.
BB: Oo nga eh.
K: (Maghuhubad ng t-shirt). Ang init, grabe. (gagalaw-galaw ang mga muscles habang nagpapaypay)
BB: (Tense, pasulyap sulyap sa katawan ng loko. Kumikintab dahil sa basa ng pawis) Potah! Lord ilayo mo po ako sa…
K: Ano balak mo ngayong semana?
BB: Wala naman. Magngingilin. Magninilay. Magdadasal.
K: Wow.
BB: Eh ikaw?
K: Wala, pahinga lang. Ang religious mo pala ate.
BB: Di naman, hobby ko nga ang magdasal eh. (titig na sa dibdib ng otoks)
K: Haha.
BB: Gusto mo dasalan kita ngayon? Magaling ako magdasal, nakaluhod pa. Lika, sa kwarto ko madaming rebulto. Dun kita dadasalan. (hihilahin ang otoks papunta sa kwarto)
Pagkapasok ng kwarto, sinara agad ni Big Beki ang pinto. Napalakas ata ang kalabog ng pinto. Lock.
Brida at Nini: Ateh!!! Mahal na araw ngayon, remember!?!?! Hahahaha!
Big Beki: Heh! Whatever!!!
*Keme lang. Wala pa namang nangyari sa kanila. Na-establish lang ang mga bagong loveteam sa baler. Abangan na lang ang mga susunod na kabanata.
Friday, June 20, 2008
USAPANG TAE
NINI: ateh, nagtatae ako.
BIG BEKI: bakit, anis na naman ba ang nilafang mo?
BRIDA: overdose sa notring ateh! oh baka laklak mode ng shumods. hahaha!
NINI: potah! malakas ka naman pala maka-bastos eh! hindi no! yun atang binili kong nilagang saging kay aling Betsaida sa kanto.
BRIDA: ay, di naman pala nutring, SAGING naman pala eh. hahaha!
NINI: pakyu ka! kita mo na ngang lotlot ang byuti ngayon ni watashi, di maka-rampage dahil negative baka ma-shu-e na lang ng bongga bigla diba? lusita valdes naman yun ng malala!
BIG BEKI: eh juminom ka na biz ng nyomut? may Lomotir pa akis sa kwarto ko, bet mo?
NINI: nakainom na ateh. kulang na nga lang eh gawin kong nagaraya ang Lomotir para lang bonggang masolusyunan ang aking pagshushu-e.
BRIDA: anis ang saychi ng erna mo mare?
NINI: ay! sabaw mare! bet mo for lunch?
BRIDA: gagu! anong kulay?
NINI: eh bet atang ipa-describe sa akin in detail eh. well, just to let you know, sabaw siya na kakulay nyang balat mo, mejo may mga shiginingning na kasama at more more dahon ng malunggay at kemeng mga maliliit na pira-piraso ng kung anik anik. baka bet mo pa ng sample, bibigyan kita, para ma-examine mo naman.
BRIDA: wow eh! pero lam mo yung kahapo pa din ako nagtataeh? kasi naman dun sa iskrambol ni manong eh! ayun nga. lam mo yung akin, kulersha maroon nung umpisa tas malapot, pero nung in the middle of the story crystal clear na! ngayon ganun pa din.
NINI: crystal clear ka dyan! tae na crystal eh! baka colorless kamo!
NINI: keme na yun! ayun nga. tapos super baho. mas malala pa sa bulok na pinabulok na itlog. palagay ko makyoho din yang erna mo ngayon!
BIG BEKI: kadiri naman yang usapan ninyo.
NINI: pusa oh! malakas ka din maka-trip sa tae eh noh? malamang pinaglihi ka sa tae ng nanay mo? o kaya ipinanganak ka sa kubeta tas shoot sakto sa inidoro, kasabay ng tae ng nanay mo!
BIG BEKI: shatap na! nandidiri na akis ah! uminom na lang kasi kayis ng gamot para mawala na yang mga ernalicious nyong sakit.
PIPAY: (nagmamadaling pumasok ng pinto, humahangos papunta sa banyo)
KABOOOOG!!!!! (sarado ng pinto)
BIG BEKI: Nini, I INSIST! ilabas mo na nga yung Lomotir ko sa cabinet sa kwarto! NOW NA!
Sunday, May 25, 2008
the powder puff gays: si BRIDA, PIPAY at NINI
mga ateh, bago natin palawigin at ikeme to the highest level ang blog na itembang, eh let me keme to you all my three housemates na kasalo ko sa araw-araw na buhay. ang tatlong beka na aking inampon at kinupkop sa aking baler, at araw-araw na nagbibigay kulay sa aking buhay.
si BRIDA
siya ang aking brainy-less na friendship. as in boklots, shoboloo, shungakers at ngangaerz to the max. di naman sa pagmamaliit, eh talaga naman mamaliitin mo ang IQ niya. pero wag ka, itong mare kong itey, kung nuknukan man ng kabobohan eh wagi naman sa fez. aminado naman ako eh, mas lamang siya sa akin ng isang paligo, toothbrush, hilod at facial. siya ang baklang half human, half science. dahil galing sa bonggang familia, kereng kere niyang bumongga ng mga kung anik-anik sa katawan. si bakla ang pinaka-dyosa sa lahat. mahihiya ang mga merlat sa katawan at fez ni badeng---collagen kung collagen ang drama, mula boobs, cheekbones, baba, balakang at kung san-san pa. nota at ngala-nagala na lang ata ang di pa niya napapagalaw sa doktor. kaya pakak na din kahit papano---balance of nature kumbaga. lost ang IQ, bet naman sa fez. sabagay, sa mundo ng kabaklaan, minsan GLY (Ganda Lang Yan) lagi ang labanan. actually, ilan sa mga kontest na sinalihan ni bex, wagi pa din siya kahit lot lot de leon ang mga sagot sa Q&A. Ganda Lang Yan! haha!
si PIPAY
isang call center agent na kung umingles eh tatagain ka ng mga out of this world niyang linya. mahihiya si Melanie Marquez, Janina San Miguel at Ethel Booba sa grammar and "pronouncement". at sa balay ni atashi, si Pipay ang pinaka warfreak. araw-araw, parang laging may giyera. mainitin ang ulo at daig pa si gabriella silang pag nagalit. sa laki ng katawan ni bex, kayang kaya niyang pataubin si manny pacquiao sa isang sampal lang. mahihiya si machete sa mga masel ni bakla, na pakak na pakak sa mga outfit nyang spaghetti strap, tube o di kaya bestida (yung 2 for 150 sa divisoria). samahan mo pa ng nagmumurang make-up araw araw na happy foundation day lagi ang drama at blush on galore sa pula ng pisngi. yun na yun.
at syempre, si NINI
ang aking bestfriend na mula nung college ay kasa-kasama ko na. madami na kaing pinag-share-an nito--mula sa bahay, mga damit, pagkain, experiences, ligaya, lungkot, pati lalaki---lahat yan magka-share kami. siya ang sunshine ng bahay. ang laging positive sa lahat na super bet na bet naman namin dahil gumagaan ang aura ng balaychi ni watashi. keme lang ang jitsura ni marse pero hanep naman kumabog sa outfit. dadaigin pa si tessa prieto valdez sa kanyang wide range of Ukay outfits na di mo ma-ispel kung ano ang bet nya sa buhay. well sabi naman niya it's his form of expression kaya kere na yun, and as a theater and stage actor, it's his for of art. (gumaganun oh!) nakakawindang lang dahil minsan ultimo pambahay niya eh naka-mulawin outfit ang lola mo, at kung mamamalengke ay naka-winter wonderland outfit, na tipong ang global warming eh mahihiya sa kanya ng very very nice. Kabog!
sila ang aking mga alagad sa bahay. ang aking katuwang sa buhay, negosyo, pag-ibig at kung anik-anik pa. ang mga rekado na nagpapasarap ng aking mga storya ng pang-araw araw na buhay.
at mula ngayon, di lang sila magiging parte ng buhay ni watashi, kundi pati kayo na din.
kasama sila, babaklain namin ang buhay niyo at wiwindangin ng mga kung anik anik na kwento at istorya ng buhay bading na nakaka-aning.
pano yan ateh, hanggang dito na muna...
baboosh!