Friday, June 20, 2008
USAPANG TAE
NINI: ateh, nagtatae ako.
BIG BEKI: bakit, anis na naman ba ang nilafang mo?
BRIDA: overdose sa notring ateh! oh baka laklak mode ng shumods. hahaha!
NINI: potah! malakas ka naman pala maka-bastos eh! hindi no! yun atang binili kong nilagang saging kay aling Betsaida sa kanto.
BRIDA: ay, di naman pala nutring, SAGING naman pala eh. hahaha!
NINI: pakyu ka! kita mo na ngang lotlot ang byuti ngayon ni watashi, di maka-rampage dahil negative baka ma-shu-e na lang ng bongga bigla diba? lusita valdes naman yun ng malala!
BIG BEKI: eh juminom ka na biz ng nyomut? may Lomotir pa akis sa kwarto ko, bet mo?
NINI: nakainom na ateh. kulang na nga lang eh gawin kong nagaraya ang Lomotir para lang bonggang masolusyunan ang aking pagshushu-e.
BRIDA: anis ang saychi ng erna mo mare?
NINI: ay! sabaw mare! bet mo for lunch?
BRIDA: gagu! anong kulay?
NINI: eh bet atang ipa-describe sa akin in detail eh. well, just to let you know, sabaw siya na kakulay nyang balat mo, mejo may mga shiginingning na kasama at more more dahon ng malunggay at kemeng mga maliliit na pira-piraso ng kung anik anik. baka bet mo pa ng sample, bibigyan kita, para ma-examine mo naman.
BRIDA: wow eh! pero lam mo yung kahapo pa din ako nagtataeh? kasi naman dun sa iskrambol ni manong eh! ayun nga. lam mo yung akin, kulersha maroon nung umpisa tas malapot, pero nung in the middle of the story crystal clear na! ngayon ganun pa din.
NINI: crystal clear ka dyan! tae na crystal eh! baka colorless kamo!
NINI: keme na yun! ayun nga. tapos super baho. mas malala pa sa bulok na pinabulok na itlog. palagay ko makyoho din yang erna mo ngayon!
BIG BEKI: kadiri naman yang usapan ninyo.
NINI: pusa oh! malakas ka din maka-trip sa tae eh noh? malamang pinaglihi ka sa tae ng nanay mo? o kaya ipinanganak ka sa kubeta tas shoot sakto sa inidoro, kasabay ng tae ng nanay mo!
BIG BEKI: shatap na! nandidiri na akis ah! uminom na lang kasi kayis ng gamot para mawala na yang mga ernalicious nyong sakit.
PIPAY: (nagmamadaling pumasok ng pinto, humahangos papunta sa banyo)
KABOOOOG!!!!! (sarado ng pinto)
BIG BEKI: Nini, I INSIST! ilabas mo na nga yung Lomotir ko sa cabinet sa kwarto! NOW NA!
Tuesday, June 10, 2008
The Wonderful and Colorful Vocabulary of PIPAY
Di kemeng nagkokol-center ka, wit na meaning na plakado na ang ingleshing powers mo. look at Pipay, kyemeng madalas pa din ang kanyang sleep of the tounges. .malala pa din ang kanyang spokening dollar skills. judge her nalang, he looks like a book naman..
The sky is the langit. (malamang)
Blessing in the sky. (ulan?)
First and for all. (anu daw?)
So far, so good, so far. (gaano pa kalayo, teh?)
Give him the benefit of the daw. (pakak!)
You look familiarity. (naman!)
You are barking at the wrong dog. (aw!)
Been there, been that. (been how? charot!)
It's as brand as new. (ah, bago...)
Are you sure ka na ba? (sureness!)
Is it okay if i hold you up while i research on the answer? (hold-up ito, ateh!)
I smell fishy... (halamang dagat ka eh)
Give her a big hand of applause! (kelangan talaga big hand?)
Give her a warm of applause! (eto pah!)
Don't touch me not! (eh di wag!)
Hello! for a while, please hang yourself... (suicide in the house!)
I'll make a bridge when i get there. (anu ka, DPWH?)
You spell the beans. (spelling bee)
Bridge over tumbling water. (tumbling lang ng bongga!)
Could you please on the off. (oo nga naman...)
Don't middle in other's lives. (kurek!)
We are one and the same. (oo na!)
I dont eat meat, im not a carnival. (perya lang...)
He is the only living legend alive. (alive, alive...alive forevemore)
Thank God! My answers have been prayered. (tungaks!)
Do you feel alone by yourself? (halah!)
*Ano ngayon ang sinabi ni Melanie Marquez sa kanya? KABOG!!! o siya, sumasakit na ang migraine ko! gegetlak muna akis ng biogjeseibel... INGAT!
Saturday, June 7, 2008
ang feminine wash at ang muriatic acid
BIG BEKI: Echas!!! at ang mga bading sumusobra na ang pag-iilusyon!!! (sabay labas sa banyo). HOY HOY HOY!!!!
NINI: (nagpiprito ng itlog sa kusina) ANO YUN ATEH?!? ke-aga aga nagwawala ka jan! nireregla ka ba?
BIG BEKI: HINDI! pero meron sa inyo ang feeling regla!
PIPAY: ano yun ateh? (naglalampaso habang umiinom ng kape)
BIG BEKI: ipaliwanang niyo nga sa akin kung kanino ito at para san ito? (sabay labas ng feminine wash). nakita ko ito sa banyo, nakasuksok sa may ilalim ng lababo. ano na??? nakakaloka na ah!
-nagkatinginan ang mga tukling.
-isa...
-dalawa...
-tatlo...
BRIDA: GUILTY! puke naman ateh oh, binuking mo naman ako.
-palakpakan ang lahat.
BIG BEKI: anu na Brida? para san to? nakakaloka ka ah!
NINI: tama yan gurl! believe in your dreams!
PIPAY: pakak! malay mo, may magic pala yan diba. pag pinahid mo sa nota, magiging kipay bigla!
NINI: but wait! there's more! rereglahin ka pa!
-palakpakan ulet.
BRIDA: mga bakels, hindi ganun yan. pakinggan ninyo ako.
-tumahimik ang lahat. sabay tumitig ng malapitan kay Brida.
BRIDA: kilala ninyo naman si Ederlyn diba?
PIPAY: oo, yung chimay nila maribar.
BRIDA: plakumba!
NINI: oh, ano meron kay Ederlyn?
BRIDA: chinika kasi niya sa akin kagabi yung sikreto niya kung bakit makinis ang fez niya. ayun nga, feminine wash daw ang gamit niya sa mukha.
-katahimikan.
-isa...
-dalawa...
-tatlo...
-palakpakan ulet! with more more tumbling ng beri nice...
BIG BEKI: naniwala ka naman? alam mo, kung di ka aanga-anga, tatanga-tanga ka naman. ewan ko ba sayo! tama ba yun? feminine wash, gamitin sa mukha? baket? mukha ka bang pekpek?
NINI: in fairness ateh, oo nga. malapit na! biyak na lang sa gitna ang kulang.
PIPAY: pero alam mo, magastos yang feminine wash. mahal ang lactashib mare! kung kinis lang naman ang habol mo sa mukha, mag-papel de liha ka na lang. o kung mas bet mo, mag-steel brush ka. meron din dun sa ilalim ng lababo.
BIG BEKI: at isa ka din! ikaw pala ang salarin ng steel brush sa lababo! nagtaka ako kung bakit merong ganun sa banyo!
NINI: no wonder Pipay, mukha ka na ding pwet ng kaldero!
PIPAY: hoy Nini! baka bet mong ikuda ko din ang sikreytow mo!!!
NINI: oo nga pala ateh, dumating na yung bill ng meralco.
PIPAY: che! wag momng ibahin ang usapan! alam mo ba ateh...
NINI: ay si Rodrigo pala hinahanap ka kanina, ateh.
PIPAY: echas! Big Beki, yang si Nini, nahuli ko minsan sa kwarto niya. Itanong ninyo sa kanya kung para saan yung muriatic acid at iskoba sa cabinet niya.
-nanlaki ang mga mata ng lahat. si Nini napalunok ng bonggang bongga.
-katahimikan...
-isa...
-dalawa...
-tatlo...
PALAKPAKAN....
Thursday, June 5, 2008
The KOL CENTER CHORBAH: Si PIPAY at si KATHERINE ROSANNA
keninelya, naka-resibchina akis ng kolelu from a koler, na kemeng nagpapa-update ng kanyang jinternet. kating kati na daw si otoks dahil 3 days nang wai ang connection sa area nila.
shempers, mega explain naman si atashi na kemeng sorry for the inconvinience chenes at may technical chorvalu sa area nila at inaayos pa. eh more more minura akis, pukengkeng daw akis dahil wit ko daw magawan ng solusyon ang problema niya. ay day, pag mega nakakatanggap akis ng IRATE koler, eh tumataas talaga ang presyon ko. lumalabas ang ispiritu ni gabriella silang sa aking ateh!
kemeng mumurahin ko na sana din ang loko, eh naalala ko bigla si kumareng Katherine Rossana ng PLDT Ventus. halah marse! kinabahan naman ako na baka magloko din yung mute button ng heller telepon ni watashi. ayun, kemeng kinembot ko na lang. naku! wit ko ata bet matanggal sa trabaho day! wit ko naman gagayahin ni ate Katherine na blacklisted ngayonchi sa lahat ng call center sa buong mundo! halah! goodluck!
yonchi nga, kemeng ibinarurot ko na lang siya na more more magpapadala ng chiming mag-aayos ng jinternet ni otoks at mega flylaloo na sa kol.
ikineme ko na lang sa CR at dun ko siya pinagmumura ng bonggang bongga! hahaha!
kung di nyo knows kung anis iteng pinagsasabi ko, itelbam ang ginetlak ko sa yuchub para ma-hearing aid nyo ang mga kinukuda ko ditis.
Monday, May 26, 2008
the BAYOLA IDOL:mga anik anik na nakakalurkei
ANG CHAKA!!!
yan lang ang makukuda ko sa Pinoy Idol. nag-watchlaloo kami nila Nini the other night ng PI at mapapa-PI ka talaga sa chaka ng production at ng mga songers.
ang expect kasi ni atashi, bonggacious to the maximum level ang drama ng GMA gaya ng mga kuda at promo nila. eh it turned out, mas kabog pa ata ng sis at eat bulaga ang prod.
una, nakakalurkei ang set mare. dahil nga top 24 pa lang, anjiit ng stage. pero ang arangements at ang mga ilaw, malakas maka-master showman. mahihiya ang perya sa mga lighting effects day!
eto pa, yung mega promote nilang mga top 24 na "the best" around the country daw, eh susmaryosepness! mas papasa pa ata yung loro ng kapitbahay namin eh, na marunong mag-doorbell voice. super kokonti lang talaga ang marunong bumirit. yung iba, lot lot de leon na sa pagkanta. A for A-port na lang sa lakas ng loob.
luz valdez din ang mga fez ng mga lolo at lola mo. the fact na napa-make over na yung mga yun, madami pa din sa kanila ang mga mukhang chimi, kargi at mga barker ng jeep. yung mga bilat parang nag-day off lang at nabihisan ng very very light. yung mga otoko naman, pinagmukhang mga bayolabells sa malate.
pakak! ang mga otoko finalists, masyadong maamoy!!! malansa! di maipagkakaila---pakawala sila ng mga lahi ni bukanding!
for sure dedbol, kalahati o mas marami pa sa kanila ang hindi naman talaga tunay na lalaki!
ALAM NA!!! kaya ang dapat na title ng show ay---BAYOLA IDOL!
nahawa na ata sa host! charos! yiz! ang lolo raymond mo na isang napakalaki/taba/lobo/dambuhala/baboy na paminta!
check! peppermint ang drama. keme na yung bet na bet ko yung twinlaloo nyang si richard, pero ang lolo raymond mo, minsan nakasabay namin sa edsa shang, may i tili si lolo mo ng "oh my gaaahhhd! that's so fab! i think you should get that!" nung ma-sight ang isang bestida sa zara. kabog lang! nahiya yung mga saleslady ateh, pati yung mega fur outfit ni Nini at yung boobs ni Brida. si Pipay nga, na may lahing francisco dagohoy, muntik maghoromentado sa inis! lakas kasi maka-landi ng lolo reymunda mo.
anyway plokness, yun nga at mega jirita talaga ang pamintaness ni raymond. mag-out na kasi! im sure matutuwa ang mama annabell at ate ruffa mo nyan dahil may kasama na silang magpapa-parlor. try no yung parlor ng kumare kong si wanda. bet dun! may discount pa kayo por shur!
mega disappointing din ang mga judges lalo na ke lola wyngard mo na bet magpaka-simon cowell eh pang mother lily lang naman ang kaya ng powers nya. isa siyang malaking katatawanan sa show. wa namang K magtumaray at in fernez, wa naman lagi sa lugar ang mga pagtataray. in short, wa talaga siyang K. hahah! anu daw?
eh ayun nga. isa nalang malalang GOODLUCK sa Pinoy Idol na yan. sana mairaos ng GMA yan, dahil kemeng chakaret talaga.
ayun lang.
Sunday, May 25, 2008
the powder puff gays: si BRIDA, PIPAY at NINI
mga ateh, bago natin palawigin at ikeme to the highest level ang blog na itembang, eh let me keme to you all my three housemates na kasalo ko sa araw-araw na buhay. ang tatlong beka na aking inampon at kinupkop sa aking baler, at araw-araw na nagbibigay kulay sa aking buhay.
si BRIDA
siya ang aking brainy-less na friendship. as in boklots, shoboloo, shungakers at ngangaerz to the max. di naman sa pagmamaliit, eh talaga naman mamaliitin mo ang IQ niya. pero wag ka, itong mare kong itey, kung nuknukan man ng kabobohan eh wagi naman sa fez. aminado naman ako eh, mas lamang siya sa akin ng isang paligo, toothbrush, hilod at facial. siya ang baklang half human, half science. dahil galing sa bonggang familia, kereng kere niyang bumongga ng mga kung anik-anik sa katawan. si bakla ang pinaka-dyosa sa lahat. mahihiya ang mga merlat sa katawan at fez ni badeng---collagen kung collagen ang drama, mula boobs, cheekbones, baba, balakang at kung san-san pa. nota at ngala-nagala na lang ata ang di pa niya napapagalaw sa doktor. kaya pakak na din kahit papano---balance of nature kumbaga. lost ang IQ, bet naman sa fez. sabagay, sa mundo ng kabaklaan, minsan GLY (Ganda Lang Yan) lagi ang labanan. actually, ilan sa mga kontest na sinalihan ni bex, wagi pa din siya kahit lot lot de leon ang mga sagot sa Q&A. Ganda Lang Yan! haha!
si PIPAY
isang call center agent na kung umingles eh tatagain ka ng mga out of this world niyang linya. mahihiya si Melanie Marquez, Janina San Miguel at Ethel Booba sa grammar and "pronouncement". at sa balay ni atashi, si Pipay ang pinaka warfreak. araw-araw, parang laging may giyera. mainitin ang ulo at daig pa si gabriella silang pag nagalit. sa laki ng katawan ni bex, kayang kaya niyang pataubin si manny pacquiao sa isang sampal lang. mahihiya si machete sa mga masel ni bakla, na pakak na pakak sa mga outfit nyang spaghetti strap, tube o di kaya bestida (yung 2 for 150 sa divisoria). samahan mo pa ng nagmumurang make-up araw araw na happy foundation day lagi ang drama at blush on galore sa pula ng pisngi. yun na yun.
at syempre, si NINI
ang aking bestfriend na mula nung college ay kasa-kasama ko na. madami na kaing pinag-share-an nito--mula sa bahay, mga damit, pagkain, experiences, ligaya, lungkot, pati lalaki---lahat yan magka-share kami. siya ang sunshine ng bahay. ang laging positive sa lahat na super bet na bet naman namin dahil gumagaan ang aura ng balaychi ni watashi. keme lang ang jitsura ni marse pero hanep naman kumabog sa outfit. dadaigin pa si tessa prieto valdez sa kanyang wide range of Ukay outfits na di mo ma-ispel kung ano ang bet nya sa buhay. well sabi naman niya it's his form of expression kaya kere na yun, and as a theater and stage actor, it's his for of art. (gumaganun oh!) nakakawindang lang dahil minsan ultimo pambahay niya eh naka-mulawin outfit ang lola mo, at kung mamamalengke ay naka-winter wonderland outfit, na tipong ang global warming eh mahihiya sa kanya ng very very nice. Kabog!
sila ang aking mga alagad sa bahay. ang aking katuwang sa buhay, negosyo, pag-ibig at kung anik-anik pa. ang mga rekado na nagpapasarap ng aking mga storya ng pang-araw araw na buhay.
at mula ngayon, di lang sila magiging parte ng buhay ni watashi, kundi pati kayo na din.
kasama sila, babaklain namin ang buhay niyo at wiwindangin ng mga kung anik anik na kwento at istorya ng buhay bading na nakaka-aning.
pano yan ateh, hanggang dito na muna...
baboosh!