Friday, June 27, 2008

Nang Salantahin ni Frank si BRIDA... (part 1)

JUNE 20, 2008. 9:00 PM


usapan sa ketay nila Brida at Big Beki:

BRIDA: ateh, nakakatakot! ang lakas na ng alon dito sa dagat. nakakaloka, nasusuka na nga ako sa sobrang galaw ng barko!
BIG BEKI: naku Brida, si Frank yan! kemeng bagong bagyo. bonggang bongga na nga din ang yolanda-bells ditelbam sa manila eh.
BRIDA: nabobokot na akis ateh! malala na ang hampas ng mga alon. parang pati si Dyesebel eh di kekerihin ang lakas!
BIG BEKI: eh gaano kalayo ka pa ba sa probinsya ninyo?
BRIDA: malayu-layo pa eh. ateh, makaka-rating pa kaya ako ng buhay sa probinsya namin?
BIG BEKI: bakit ka pa kasi tumuloy lumuwas?
BRIDA: eh ate naman, diba nga naghihingalo na ang aking lola. eh kelangan bago mategi yun nasa tabi ako para maka-keme ng mana!
BIG BEKI: eh bakla, parang mauunahan mo pa ata ang lola mong mamatay eh. naku! mag-life vest ka na ngayon din. maganda na yung handa.
BRIDA: ateh naman, mas lalo mo naman ako binokot!
BIG BEKI: charing lang yun shempre. oh teka, ano ba ulet yang pangalan ng barko na sinakyan mo?
BRIDA: MV Princess of the Stars ateh.
BIG BEKI: oh sya, hihintayin ko na lang sa news kung lumubog yan o hindi, ok?
BRIDA: gaga ka ateh!
BIG BEKI: keme lang! o sya, i-save mo na yang baterya ng ketay mo. para may pantawag ka sa iyong mga kamag-anak pagdaong mo sa inyo. ok? ingat ka. pagdadasal kita kay Nora Aunor.
BRIDA: sige ateh, salamat. baboosh!

after 3 hours...

BRIDA: Aba ginoong maria...sus maria...in the name of the Father... oh my god... the boat is sinking, group yourselves into... ay! susme! naku... Lord... are you there? Oh my god! mary the Virgin, Papa Jesus, Sto. NiƱo, Sta. Clara pinong-pino, St. Jude, St. Joseph, St. Luke's... puta! lulubog na kami... wag po... wag po!!! shet!!! ay takte! wit ko pa bet mategi LORD!!! wag po! wag po!!! madami pa akong pangarap! ay patawarin nyo na po ang mga pagkakasala ko. oh Lord!!! ayan na ang tubig!!! ay! oo na po, bakla ako! di pa ba obvious?!?! ayan na!!! wag ganun Lord! wag po! wag! wag! AYYY!!!!!!

kinaumagahan...

TV NEWS
"kumpirmado na pong may lumubog na barko sa may karagatan ng Romblon habang nananalasa ang malakas na bagyong si Frank. Ang barkong Princess of the Stars na may lulan na..."
BIG BEKI: Ay anak ng Tinapa!
PIPAY: oh, masarap ang tinapa teh, may problema?
BIG BEKI: gaga! yang lumubog na barko... jan nakasakay si BRIDA!!!
PIPAY: huwat???

(to be continued)

Friday, June 20, 2008

USAPANG TAE



NINI: ateh, nagtatae ako.


BIG BEKI: bakit, anis na naman ba ang nilafang mo?


BRIDA: overdose sa notring ateh! oh baka laklak mode ng shumods. hahaha!


NINI: potah! malakas ka naman pala maka-bastos eh! hindi no! yun atang binili kong nilagang saging kay aling Betsaida sa kanto.


BRIDA: ay, di naman pala nutring, SAGING naman pala eh. hahaha!
NINI: pakyu ka! kita mo na ngang lotlot ang byuti ngayon ni watashi, di maka-rampage dahil negative baka ma-shu-e na lang ng bongga bigla diba? lusita valdes naman yun ng malala!


BIG BEKI: eh juminom ka na biz ng nyomut? may Lomotir pa akis sa kwarto ko, bet mo?


NINI: nakainom na ateh. kulang na nga lang eh gawin kong nagaraya ang Lomotir para lang bonggang masolusyunan ang aking pagshushu-e.


BRIDA: anis ang saychi ng erna mo mare?


NINI: ay! sabaw mare! bet mo for lunch?


BRIDA: gagu! anong kulay?


NINI: eh bet atang ipa-describe sa akin in detail eh. well, just to let you know, sabaw siya na kakulay nyang balat mo, mejo may mga shiginingning na kasama at more more dahon ng malunggay at kemeng mga maliliit na pira-piraso ng kung anik anik. baka bet mo pa ng sample, bibigyan kita, para ma-examine mo naman.


BRIDA: wow eh! pero lam mo yung kahapo pa din ako nagtataeh? kasi naman dun sa iskrambol ni manong eh! ayun nga. lam mo yung akin, kulersha maroon nung umpisa tas malapot, pero nung in the middle of the story crystal clear na! ngayon ganun pa din.


NINI: crystal clear ka dyan! tae na crystal eh! baka colorless kamo!


NINI: keme na yun! ayun nga. tapos super baho. mas malala pa sa bulok na pinabulok na itlog. palagay ko makyoho din yang erna mo ngayon!


BIG BEKI: kadiri naman yang usapan ninyo.


NINI: pusa oh! malakas ka din maka-trip sa tae eh noh? malamang pinaglihi ka sa tae ng nanay mo? o kaya ipinanganak ka sa kubeta tas shoot sakto sa inidoro, kasabay ng tae ng nanay mo!


BIG BEKI: shatap na! nandidiri na akis ah! uminom na lang kasi kayis ng gamot para mawala na yang mga ernalicious nyong sakit.


PIPAY: (nagmamadaling pumasok ng pinto, humahangos papunta sa banyo)





KABOOOOG!!!!! (sarado ng pinto)





BIG BEKI: Nini, I INSIST! ilabas mo na nga yung Lomotir ko sa cabinet sa kwarto! NOW NA!

Sunday, June 15, 2008

ANGEL LOCSIN vs MARIAN RIVERA

Ditel sa balay ni watashi, may hidwaan ding nagaganap tungkol sa pagkukumpara kina mareng Angel Locsin at mareng Marian Rivera.
Si Brida, bet na bet si Angel Locsin at kemeng feeling lobo pag gabi at umuungol kahit mag-isa. Si Pipay naman ay bet na bet si Marian Rivera at kulang na lang ay magpatahi ng buntot ng sirena para suotin papasok sa trabaho. kaloka!
Bilang ako si Big Beki, ayokong maging judgemental. (ching!) Eh pareho naman silang maganda at sexy gaya ko, at pareho naman silang talented.
Pasok sa banga wika nga. pero ayun nga, palakihin pa natin ang hidwaan. hahaha! Itelbasung ang mga piktyuret ng dalawa nating kumare, at kayo na ang humusga, kung anuman ang panghuhusgang bet nyo gawin.
ANGEL LOCSIN and MARIAN RIVERA

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
ANGEL LOCSIN









MARIAN RIVERA





Kayo na ang humusga.