Miko
friendship ni atashi via connectibles ang boylet na itez. bongga ang fezangga ni otoks. si miko. gwapitu. chinito. mestizo. pasar. borta. bee-wai. pakak na pakak ang aura---in short, mataas ang uri ng pagkatao.
kereng kere niyang mag-ala alta boy churvalet sa kinis at flawless ng kutis. partida pa, everything is all natural, at mahihiya kaming mga die hard fans ng glutathione sa puti niya. noon atang nagsaboy ang heaven ng kakinisan eh dilat na dilat si ohmbre, at kaming mga beckz, malamang borlogs ng bonggang bongga at nagising na lang nung puro sumpa, chenelyn-bombey at mga tigidig-bambam na ang sinasaboy ng langit.
pero teka teka teka. di naman talaga ang pagka-adonis ni miko ang chika ko eh. dahil since una kong nakilala si ohmbre, ay anlakas nang mangamoy dagat ni ateh. at di ko pa man napapa-notaryo eh kukumpirmahin ko na ang isplukchina na ang lolo mo ay isang malaking Wally Bayola.
ang kembot: eto na. behind his hunk na drama eh mega rampage pala si koya mo around orosa sa malaysia.
na-sight ng klasmate ko sa mahjong itong si otoko na uma-aura with another pasar na boylet, at di maipagkakaila ng holding hands at kemeng necking nila na mag-jowa sila.
naloka talaga ako ng beri beri nice sa chismis! paano ba naman, matagal ko na ding pinagpapantasyahan itong si lalaki, at may i bingwit ang drama ko nun makeme lang ang loveteam namin. ayun nga, di naman nagka-future dahil una, di naman niya bet ang mga pa-merlat na gaya ko, at mega kuda naman siya na di nya bet ng kapwa lalaki. eh kamusta naman, nauna pa saking magka-jowa ng lalake. ang sakit sa bangs!
eh ayun na nga. wala na akong magagawa dun. yun ang tunay niyang pagka-hayop---este, tao. yun ang bet niya sa buhay kaya suportahan ko nalang, bilang isa anman sa mga kaibigan niya. keme!
ang di ko lang talaga bet eh yung dapat pa siyang umeksena sa akin na di nya kere ang kapwa lalake, eh ang sa totoo naman eh di lang niya bet ng badidang at ang bet niya eh yung mga pamintang durog gaya niya.
sabagay, baka naman di nya ako gustong ma-hurt. pero mas nakaka-hurt naman diba yung malalaman ko pa sa iba ang tunay na iskor?
isa lamang siya sa mga nagdadamihan at patuloy na dumadaming mga Wally Bayola na inaartehan ang mga effem na bading. isa lamang siya sa mga maanghusga at choosy pagdating sa mga malelembot na kagaya namin.
unfair! bakit nadidiscriminate kaming mga bakels, eh kemeng parepareho lang naman ang eksena pag magjowa at kumakangkang na! nakakainggit! andadaming mga epek at pasar na bayola, eh wit naman kami bet! unfair! dahil kemeng mga tigas-tigasin na lang ang naglalapangan, wala nang natitira para sa aming mga bex.
pero kere lang. if i know, mas malelembot naman talaga ang mga bayola kesa sa mga proud true badidang. alam niyo pag, pag nagka-giyerahan na.
miko, i wish you all the best! gudlak! charos!
yun lang!
Saturday, May 24, 2008
Pamintang Durog Part I
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
namashte ateng! nakakalurkey nga ang mga pamela 1 na nagkalat. mashoshoray! akala mo hindi nakakabahing! hindi daw sila gays... duhher??? haha. mabuhay ang ladladera! totoo sa sarili. makapal ang check-eye. pero di naman lahat ng pamela eh darkness. me mababait den... si...ching!
Post a Comment