mga ateh, bago natin palawigin at ikeme to the highest level ang blog na itembang, eh let me keme to you all my three housemates na kasalo ko sa araw-araw na buhay. ang tatlong beka na aking inampon at kinupkop sa aking baler, at araw-araw na nagbibigay kulay sa aking buhay.
si BRIDA
siya ang aking brainy-less na friendship. as in boklots, shoboloo, shungakers at ngangaerz to the max. di naman sa pagmamaliit, eh talaga naman mamaliitin mo ang IQ niya. pero wag ka, itong mare kong itey, kung nuknukan man ng kabobohan eh wagi naman sa fez. aminado naman ako eh, mas lamang siya sa akin ng isang paligo, toothbrush, hilod at facial. siya ang baklang half human, half science. dahil galing sa bonggang familia, kereng kere niyang bumongga ng mga kung anik-anik sa katawan. si bakla ang pinaka-dyosa sa lahat. mahihiya ang mga merlat sa katawan at fez ni badeng---collagen kung collagen ang drama, mula boobs, cheekbones, baba, balakang at kung san-san pa. nota at ngala-nagala na lang ata ang di pa niya napapagalaw sa doktor. kaya pakak na din kahit papano---balance of nature kumbaga. lost ang IQ, bet naman sa fez. sabagay, sa mundo ng kabaklaan, minsan GLY (Ganda Lang Yan) lagi ang labanan. actually, ilan sa mga kontest na sinalihan ni bex, wagi pa din siya kahit lot lot de leon ang mga sagot sa Q&A. Ganda Lang Yan! haha!
si PIPAY
isang call center agent na kung umingles eh tatagain ka ng mga out of this world niyang linya. mahihiya si Melanie Marquez, Janina San Miguel at Ethel Booba sa grammar and "pronouncement". at sa balay ni atashi, si Pipay ang pinaka warfreak. araw-araw, parang laging may giyera. mainitin ang ulo at daig pa si gabriella silang pag nagalit. sa laki ng katawan ni bex, kayang kaya niyang pataubin si manny pacquiao sa isang sampal lang. mahihiya si machete sa mga masel ni bakla, na pakak na pakak sa mga outfit nyang spaghetti strap, tube o di kaya bestida (yung 2 for 150 sa divisoria). samahan mo pa ng nagmumurang make-up araw araw na happy foundation day lagi ang drama at blush on galore sa pula ng pisngi. yun na yun.
at syempre, si NINI
ang aking bestfriend na mula nung college ay kasa-kasama ko na. madami na kaing pinag-share-an nito--mula sa bahay, mga damit, pagkain, experiences, ligaya, lungkot, pati lalaki---lahat yan magka-share kami. siya ang sunshine ng bahay. ang laging positive sa lahat na super bet na bet naman namin dahil gumagaan ang aura ng balaychi ni watashi. keme lang ang jitsura ni marse pero hanep naman kumabog sa outfit. dadaigin pa si tessa prieto valdez sa kanyang wide range of Ukay outfits na di mo ma-ispel kung ano ang bet nya sa buhay. well sabi naman niya it's his form of expression kaya kere na yun, and as a theater and stage actor, it's his for of art. (gumaganun oh!) nakakawindang lang dahil minsan ultimo pambahay niya eh naka-mulawin outfit ang lola mo, at kung mamamalengke ay naka-winter wonderland outfit, na tipong ang global warming eh mahihiya sa kanya ng very very nice. Kabog!
sila ang aking mga alagad sa bahay. ang aking katuwang sa buhay, negosyo, pag-ibig at kung anik-anik pa. ang mga rekado na nagpapasarap ng aking mga storya ng pang-araw araw na buhay.
at mula ngayon, di lang sila magiging parte ng buhay ni watashi, kundi pati kayo na din.
kasama sila, babaklain namin ang buhay niyo at wiwindangin ng mga kung anik anik na kwento at istorya ng buhay bading na nakaka-aning.
pano yan ateh, hanggang dito na muna...
baboosh!
Sunday, May 25, 2008
the powder puff gays: si BRIDA, PIPAY at NINI
Labels chorbah:
brida,
friendship,
housemates,
mga bakla,
nini,
pipay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment