alas sais ng gabi at kaka-arrive lang namin ni NINI sa baler ni atashi galing palengke. muntik ko nang mabitawan ang mga supot na hawak ko nang ma-sight ni atashi ang text mula kay PAPA LEO.
LEO: hi emerlitz. musta na u? leo to, naaalala u p b me?
ATEH: ui leo. nakaalala ka. ako okay lang naman. kaw kamusta?
erase erase. parang di epek ang text. masyadong usual. dapat yung kakaiba.
ATEH: konbanwa! eto, kerebells lang naman ang buhay. magandsa pa din. kaw naman kamusta? miss mo na ako no?
erase erase. masyado namang feelingera. baka di na magtext ulet.
ATEH: hi leo. im fine. ayos lang naman ang buhay-buhay. ikaw kamusta na? ano na balita sayo? long time no text ah.
send.
nag-waiting galore si lola mo habang inihahanda na ni NINI ang mga lulutuin ni Brida pang-hapunan. at napagdiskitahan tuloy ng lola mo yung choknut na binili ni nini.
after 5 minutes.
LEO: oo nga eh, nag-japan kasi ako. kakabalik pinas ko lang last week. buti naman ito pa din ang gamit mong number.
ATEH: ah, oo. wala naman kasi akong rason para magpalit ng numbra eh. so totoo nga pala yung balita nun na nag-japan ka. akala ko kasi
hindi totoo.
LEO: oo eh, nagtrabaho ako dun ng six months as entertainer.
ATEH: entertainer nga ba o bed-tertainer? hehe. joke lang
LEO: haha. kaw talaga. may uwi nga pala akong mga chocolates at alak, inuman tayo kung gusto mo.
pakak! parang nabarahan ng choknut yung ngala-ngala ko! nomahan daw ateh! eto na yun eh. isa lang ang ibig nitong sabihin. nomanation night equals penetration night! wagi!
ATEH: sige ba. kelan mo gusto? dito nalang tayo sa bahay ko. ipapakilala ko din sayo tong mga ampon ko.
LEO: ganun ba? sige, ngayong gabi na.
aba! agad agad ang gusto ng loko! may chance kayang maligwak ang beauty ko tonight? napaisip tuloy ako. kung ngayong gabi, malamang wala na si Pipay dahil may pasok siya sa call center, si Brida ay may date daw with his jowawis. ako at si Nini lang ang pasok sa finals. malamang di naman ako aahasin ni bespren.
ATEH: sige leo, mamya. punta ka nalang dito mamyang mga 9pm. maglilinis pa ako ng onti para naman di nakakahiya sayo.
LEO: sige, see you. may kasama pala ako sayo mamya ah. papakilala ko din sa inyo. siya si Kiko.
awoaw!
mas nasamid na ako sa choknut mare, at kinailangan na ng lunok-laway powers!
aba! 2 lalaki ang putahe mamaya. kung sinuswerte ka naman talaga oh! oh well, tamang tama, tig-isa kamin ni nini. happy ito!
ATEH: okay, sige. hihintayin kita. see you later! (ismayli pes, ismayli pes, ismayli pes at isa pang ismayli pes!)
POTAAAAAHHH!!!!!!!
NINI: oh, ateh, anu yun???
ATEH: Nini, magpalit ka. gusto ko yung teletubbies mong costume! dadating si Papa LEO mamya, nag-aayang magnomabells. bex, itey na ang chance kong matagal nang hinihintay! Brida, magbihis ka na at mauna ka na dun sa date mo. ako na magluluto. Mahirap na at masight ka ni Leo, mapagkamalan kang bilat, matalbugan kami. go na! now na!
BRIDA: sobra ka naman ateh. sige na nga. pero teka eh pasado alas-sais pa lang eh. mamyang 9 pa yung usapan namin.
ATEH: eh di maghintay ka dun.
BRIDA: ang tagal pa nun 'teh. di ko ata bet, malala yun!
ATEH: eh di i-advance mo yang relo mo pra kunwari sandali na lang yang hihintayin mong oras.
BRIDA: (nag-isip) oo nga noh. sige ateh. gogora na po.
ATEH: potah! tignan mo to Nini, Ganda Lang talaga!
After more than 2 hours, plakado na ang bahay ni ateh. malinis at mabango. ang lola mo din, nakaligo na at chumorbah ng bonggang outfit of the night. pero kung outfit lang din ang paguusapan, eh wala nang kakabog kay Nini na nakasuot ng damit pang-sto nino with all the glitters and sequince, at major feathers on the hair. akala mo rarampa, pero nonoma lang naman.
maya-maya din ay may bumusina nang kotse sa labas. nakakalurkei, ang papa Leo ko nun na halos walang pampamasahe sa tricycle eh di-kotse na ngayon. pagkatok sa pinto ay agad kong binuksan, ewan ko ba, mejo kinakabahan ako.
ano na kaya ang hitsura ni Leo? gwapo pa din ba siya? malaki pa din ba katawan niya? pumuti na kaya siya o moreno pa din?
pagbukas ko ng pinto, halos himatayin ako bax!!!
anu ito!?!?!
LE----LE----LE----LE---A?!?!?!?
si LEO, LEA na ngayon?
UMAY MARE!!!!
lakas maka-bilat ng lolo mo!
happy foundation day, mega skinny jeans, blush on, golden hair--alam na! di na maipagkakaila!
halos di ako makangiti sa eksena. di ko kinaya!!!
LEO: huy emerlita! long time no see! at kemeng bumeso pa ang lolo mo. eto pala yung sinasabi kong si Kiko (infernes, may itsura si kuya at bet na din ang fez, is short, pasar na!), boyfriend ko.
gusto kong mag-time space warp, ngayon din!
potah ka! beking beki na ang dating boylet na kinakarir ko nun. kamusta naman diba?
so ayun, wala naman akong magagawa. alangan namang titigan ko nalang siya sa may pintuan magdamag. kaya pinapasok ko sila at more more pinapasok ko na sila sa baler ko.
una, dalwa, bente, kwaretna, siyento trenta segundo akong tulala at nanlata. daig ko pa na thundershock ni pikachu.
LEO: gurl, okay ka lang? gusto mo na ata magsimula eh.
ATEH: ah, eh, okay lang. go! start na. Nini, maglabas ka nga ng 2 baso tas yung mga ice yelo ilagay mo dun sa mini batya.
at yun nga. waing nagawa ang atenggay mo. numoma kami. nagka-chikahan at nagka-openan ng mga bagay-bagay.
at least nalaman ko kung ano ang nangyari sa dating papa Leo ko, na ngayon ay kumareng Lea na.
natapos ang nomahan session nang maayos. walang kemehan, walang hadaan o kung anumang kachorvahan. nakaka-disappoint, aaminin ko! lecheng nagprepare pa naman ako, akala ko after 48 years eh madidiligan na din sa wakas ang lupang isinumpa ng global warming at el niƱo phenomenon.
pero alangan namang ipilit ko diba? parehong matamis na botomesa, nag-kemehan. ano yun, horror movie? kaloka!
ganun talaga. wika nga eh, change is the only thing constant in this world. isa na siya dun.
malakas maka-realize na lahat ng tao ay may kapasidad magbago ng bonggang bongga, ayon na rin sa kagustuhan nila.
wit ko lang knows kung kere kong magbago---pero para sa inyong lahat, NEVER EVER!
Sunday, May 25, 2008
PINAKBET: Bitter Bitteran Chorbah (The PAPA LEO Chronicles)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment