Friday, 27 June 2008

Nang Salantahin ni Frank si BRIDA... (part 1)

JUNE 20, 2008. 9:00 PM


usapan sa ketay nila Brida at Big Beki:

BRIDA: ateh, nakakatakot! ang lakas na ng alon dito sa dagat. nakakaloka, nasusuka na nga ako sa sobrang galaw ng barko!
BIG BEKI: naku Brida, si Frank yan! kemeng bagong bagyo. bonggang bongga na nga din ang yolanda-bells ditelbam sa manila eh.
BRIDA: nabobokot na akis ateh! malala na ang hampas ng mga alon. parang pati si Dyesebel eh di kekerihin ang lakas!
BIG BEKI: eh gaano kalayo ka pa ba sa probinsya ninyo?
BRIDA: malayu-layo pa eh. ateh, makaka-rating pa kaya ako ng buhay sa probinsya namin?
BIG BEKI: bakit ka pa kasi tumuloy lumuwas?
BRIDA: eh ate naman, diba nga naghihingalo na ang aking lola. eh kelangan bago mategi yun nasa tabi ako para maka-keme ng mana!
BIG BEKI: eh bakla, parang mauunahan mo pa ata ang lola mong mamatay eh. naku! mag-life vest ka na ngayon din. maganda na yung handa.
BRIDA: ateh naman, mas lalo mo naman ako binokot!
BIG BEKI: charing lang yun shempre. oh teka, ano ba ulet yang pangalan ng barko na sinakyan mo?
BRIDA: MV Princess of the Stars ateh.
BIG BEKI: oh sya, hihintayin ko na lang sa news kung lumubog yan o hindi, ok?
BRIDA: gaga ka ateh!
BIG BEKI: keme lang! o sya, i-save mo na yang baterya ng ketay mo. para may pantawag ka sa iyong mga kamag-anak pagdaong mo sa inyo. ok? ingat ka. pagdadasal kita kay Nora Aunor.
BRIDA: sige ateh, salamat. baboosh!

after 3 hours...

BRIDA: Aba ginoong maria...sus maria...in the name of the Father... oh my god... the boat is sinking, group yourselves into... ay! susme! naku... Lord... are you there? Oh my god! mary the Virgin, Papa Jesus, Sto. NiƱo, Sta. Clara pinong-pino, St. Jude, St. Joseph, St. Luke's... puta! lulubog na kami... wag po... wag po!!! shet!!! ay takte! wit ko pa bet mategi LORD!!! wag po! wag po!!! madami pa akong pangarap! ay patawarin nyo na po ang mga pagkakasala ko. oh Lord!!! ayan na ang tubig!!! ay! oo na po, bakla ako! di pa ba obvious?!?! ayan na!!! wag ganun Lord! wag po! wag! wag! AYYY!!!!!!

kinaumagahan...

TV NEWS
"kumpirmado na pong may lumubog na barko sa may karagatan ng Romblon habang nananalasa ang malakas na bagyong si Frank. Ang barkong Princess of the Stars na may lulan na..."
BIG BEKI: Ay anak ng Tinapa!
PIPAY: oh, masarap ang tinapa teh, may problema?
BIG BEKI: gaga! yang lumubog na barko... jan nakasakay si BRIDA!!!
PIPAY: huwat???

(to be continued)

No comments: